Pag-alis ni Gael at ng kanyang Daddy Hugo sa kanyang kwarto’y hindi na mapakali si Aaliyah. Hindi kasi niya alam kung galit ba o hindi ang kanyang daddy. Hindi niya alam kung ano’ng tumatakbo sa isip nito nang makita silang natutulog nang magkayakap ni Gael. Naiinis tuloy siya sa kanyang sarili. Manonood lang naman dapat sila ng movie, kaya lang ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Hindi naman siya nakayakap kay Gael kanina. Nilagay pa nga niya sa pagitan nilang dalawa ang bagong bigay na teddy bear ni Gael sa kanya. Kaya hindi niya alam kung paano nangyari na nakatulog sila nang magkatabi at magkayakap. Ang naisip lang niyang posibleng dahilan ay sinadya ito ni Gael. Marahil ay tinanggal nito ang teddy bear na nakaharang sa pagitan nila at saka siya niyakap bago matulog. “

