CHAPTER 5

2415 Words
Nasa harapan ni Aaliyah si Hugo habang naglalakad sila papanik ng hagdanan. Hawak pa ni Aaliyah ang magkabilang strap ng backpack niya habang nakatingala siya at tinitingnan ang chandelier sa kisame sa tapat ng hagdanan. Muntik na tuloy siyang madapa, pero buti na lang ay nakahawak siya sa pader. Napahinto naman si Hugo at napalingon sa kanya. “Be careful, Aaliyah,” sabi nito sa kanya at hinawakan pa ang kamay niya hanggang sa makapanik sila. Nasa second floor na sila ng bahay nang may lumabas na binatilyo sa kwarto na nasa bandang kanan ng bahay. Alam ni Aaliyah na si Gael ito, ang nag-iisang anak na lalaki ni Hugo sa yumao nitong asawa na si Natalia. Hindi ito artista tulad ng mga magulang, pero minsan nang napanood ni Aaliyah sa TV nang maimbitahan sa isang morning talk show noong ika-tatlongpung taong kaarawan ni Hugo. Abala ito, at nakatutok ang tingin sa hawak na cellphone, kaya hindi ata sila napansin. Kung hindi pa ito tawagin ng ama ay hindi sila titingnan, kahit na makakasalubong na nila. “Gael,” tawag ni Hugo sa anak. Inangat naman nito ang mukha at tiningnan sila. “Hey, dad,” parang walang gana nitong sabi at pagkatapos ay tumingin kay Aaliyah. “Hello, Gael!” nakangiting sabi ni Aaliyah pero tinanguan lamang siya nito at hindi man lang nginitian. “This is Aaliyah. She’s the daughter of the man who saved my life. She’ll be staying with us.” “Okay,” kibit balikat nitong sagot na para bang hindi interisado sa sinabi ng ama, at pagkatapos ay tiningnan si Aaliyah at saka ngumisi. “Welcome to hell,” sabi nito bago mag-umpisang maglakad hanggang sa malagpasan sila. Napakunot naman ang noo ni Aaliyah habang nakasunod ang tingin kay Gael. Hindi niya inaasahan na ganito ang pag-uugali nito kapag walang nakatutok na camera. Ibang-iba ito sa Gael na nakita niya sa TV na masaya pang nagkwekwento tungkol sa relasyon nilang mag-ama. “Gael! Come back here!” Biglang nalipat ang tingin ni Aaliyah kay Hugo nang galit na tawagin nito ang anak. “That’s not the way to welcome our guest.” Tumigil sa paglalakad si Gael at umikot paharap sa kanila at saka naglakad pabalik hanggang sa huminto ito sa harapan ni Aaliyah. “Welcome to our humble abode, Aaliyah. I hope you’ll enjoy your stay here,” nakangiti nitong sabi sa kanya na halata niyang pinilit lang naman. Pagkatapos nito’y nawala agad ang ngiti ng tingnan ang ama. “I’ve done my part. Happy?” walang gana na naman nitong sabi at saka tinalikuran na naman sila. Napabuntong hininga na lamang si Hugo habang magkasalubong ang mga kilay at ikom ang mga kamay na para bang nagpipigil ng galit dahil sa inasal ng anak. Napabuntong hininga itong muli at tiningnan si Aaliyah. “I’m sorry about that. Hindi ko ata napalaki nang maayos kaya lumaking sutil. Kung nandito lang sana ang mommy niya, hindi siguro siya gan’yan.” “Wala rin naman po akong nanay pero hindi naman po ako gan’yan kay Tatay.” “Mas alam siguro ng tatay mo kung paano maging mabuting ama kesa sa ‘kin, kaya napalaki ka niyang mabait at magalang.” “Mabuti naman po kayong tao, kaya alam kong pong mabuti rin kayong tatay sa anak n’yo. Feeling niya po siguro kina-cool niya ‘yung ginagawa niya. Hmp! Hindi kaya! Mas cool kaya maging mabait. Parang kayo po, Sir Hugo,” nakangiti at nakatingalang sabi ni Aaliyah kay Hugo. Napangiti si Hugo habang nakatingin sa kanya. “You can have ice cream for dessert later dahil sinabihan mo ‘kong cool.” “Ice cream po?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni Aaliyah. “Ano pong flavor? ‘Tsaka may apa po ba kayo?” “I think we have chocolate, vanilla and avocado. And yes may apa kami rito at iba’t ibang toppings. May marshmallow, peanuts, chocolate chips and almonds. Mahilig si Gael sa ice cream. Namana niya sa mommy niya.” “Wow! Ang dami naman po no’n. Ang laki po siguro ng ref. n’yo.” “I’ll show it to you later, but for now, ‘yung kwarto mo muna.” Excited si Aaliyah sa ice cream pero mas excited siya na makita ang magiging kwarto niya. Ngayon pa lang kasi siya magkakaroon ng sarili niyang kwarto. Sa inuupahan kasi nilang apartment noon ng kanyang ama ay iisa lang ang kwarto, habang sa bahay naman ng tiyuhin niya ay sa sala siya pinapatulog. Naglalatag lang siya ng banig tuwing gabi, kaya maaga siyang gumigising sa umaga bago pa magising ang mga ito, para hindi siya mapagalitan. Naglakad sila papunta sa kaliwang pasilyo at may nakita siyang dalawang pintuan. Binuksan ni Hugo ang unang pintuan at nakita ni Aaliyah na may mga exercising equipments sa loob. Naisip niyang dito marahil nagwo-workout si Hugo kaya napapanatili nito ang ganda ng katawan. Ramdam nga niya ang mga muscle nito nang buhat siya nito kanina at nang makatulog siya na nakahilig sa braso nito habang magkatabi sila sa loob ng sasakyan. “And this will be your room,” nakangiting sabi ni Hugo pagkabukas nito ng isa pang pintuan. “Woooow….” Ito na lamang ang nasabi ni Aaliyah, pagkakita niya sa magiging kwarto niya. Lumingon siya kay Hugo. “Ito po talaga ang magiging kwarto ko?” “Yes. I hope you like it, dahil wala nang ibang room. Ito na lang.” “Gusto po, Sir Hugo! Sobrang ganda po nito!” Tumakbo siya papunta sa kama at naupo at pagkatapos ay pinatalbog niya ang pw3tan niya sa malambot na kutson nito. “Ang lambot!” tuwang-tuwa niyang sabi at pagkatapos ay tumayo siya at binuksan ang mga drawer. “Kasya po lahat ng mga gamit ko rito!” Inilibot niya ang paningin niya sa buong paligid. “May TV pa ‘tsaka aircon!” Tumakbo siya papunta sa sliding door na may nakatabing na mahabang kurtina. Hinawi niya ito at nakita niyang may balkonahe. “Pwede ko po bang buksan?” tanong niya kay Hugo. “Sure. Go ahead. Let yourself be familiar with the place,” sagot nito kaya binuksan niya ang sliding door at lumabas siya sa balkonahe. Nakita niyang balkonahe rin pala ito ng katabing kwarto na ginawa nang exercise room. Huminga siya nang malalim, at napatingin siya sa langit at napangiti. “Tay, nakikita n’yo po ba ‘ko d’yan? Huwag po kayong mag-alala sa ‘kin. Okay na po ako. Si Sir Hugo na po ang kasama ko. Tinupad po niya ‘yung pangako niya sa inyo,” sabi niya sa kanyang isip. May tumulong luha sa gilid ng kanyang mata at agad niya itong pinunasan bago siya bumalik kay Hugo. “Salamat po, sir!” sabi niya at sinabayan pa niya ito ng pagyakap kay Hugo. Naramdaman naman niya ang paghaplos ni Hugo sa likod ng kanyang ulo. Pagkatapos ipakita ni Hugo sa kanya ang kanyang kwarto ay iniwan na siya nito, kaya nagkaroon siya ng oras para makaligo at makapagpalit ng damit. Pagkatapos nito’y naisipan niya na ayusin na ang kanyang mga gamit. Isa-isa niya itong nilabas sa kanyang bag, at maayos na nilagay sa loob ng mga drawer. Hindi pa siya tapos mag-ayos nang puntahan siya ni Hugo sa kwarto niya para yayain nang maghapunan. Kasabay niyang maghapunan ang mag-amang Hugo at Gael. Halata niya sa itsura ni Gael na parang ayaw nitong sumabay sa pagkain at napilitan lang. “Alam mo magtatampo ang grasya sa ‘yo kapag gan’yan ka,” sabi ni Aaliyah habang nakatingin kay Gael. Walang gana siyang tiningnan ni Gael habang hawak nito ang tinidor na tinutusok-tusok sa green peas na nasa plato nito. “Katulad ka pala ng tatay mo, pakialamero. Sana hindi ka matulad sa kanya.” “Gael!” sigaw ni Hugo kaya halos mapatalon na si Aaliyah sa kinauupuan niya. “Pinalagpas ko na ‘yung kagaspangan ng ugali mo kanina, pero hindi na ngayon. Hindi maganda ‘yung sinabi mo. Mag-sorry ka sa kanya!” “Masama na palang magsabi ng totoo ngayon, dad. Siya ‘tong nauna ‘di ba? Sinagot ko lang siya.” “I said, say sorry to her. Kapag hindi ka nag-sorry, hindi ko ibibigay sa ‘yo ‘yung one month allowance mo!” “Pera na nga lang ang kaya mong ibigay, tatanggalin mo pa?” “Sir, huwag na po kayong mag-away,” awat niya sa mag-ama. “Gael, sorry na. Hindi na kita pakikialaman.” “Don’t say sorry to him, Aaliyah. May sinabi siyang hindi maganda kaya dapat mag-sorry siya sa ‘yo.” “Bakit ako magso-sorry na bubwit na ‘yan? Next time, huwag ka kasing pakialamera para ‘di kita binabara,” sabi ni Gael sa kanya sabay tayo at padabog ito na umalis. “Excuse me,” sabi ni Hugo at tumayo ito para sundan ang anak. Kahit nasa dining area siya’y dinig niya ang sigawan nina Hugo at Gael kahit na hindi niya naiintindihan masyado ang batuhan nito ng mga salita dahil nasa itaas ang dalawa. “Palagi po ba silang gan’yan?” tanong ni Aaliyah sa matandang kasambahay nina Hugo na si Manang Elisa. “Okay naman sila noong buhay pa si Ma’am, pero nang mamatay si Ma’am Natalia, nasira ang relasyon ng mag-ama. Dalawang araw kasi bago maaksidente si Ma’am Natalia, nakiusap siya na huwag na munang umalis si Sir Hugo papuntang ibang bansa para sa shooting ng pelikula niya noon. Buntis kasi si Ma’am Natalia at ang gusto, habang nagbubuntis siya nandito lang si Sir Hugo. Kaso syempre may pinirmahan nang kontrata at naumpisahan na ‘yung shooting kaya hindi na maka-backout si sir. Isang linggo lang naman ‘yung shooting sa ibang bansa, kaso nangyari nga ‘yung aksidente. Namatay si Ma’am Natalia at ‘yung pangalawang anak sana nila. Alam ni Gael ‘yung tungkol sa hiling ng mommy niya sa daddy niya, kaya si Sir Hugo ang sinisisi niya sa pagkamatay ng mommy niya. Kung hindi daw umalis si Sir Hugo baka buhay pa raw si Ma’am Natalia.” Alam ni Aaliyah ang tungkol sa aksidente na ikinamatay ng asawa ni Hugo pero hindi niya alam na buntis pala ito nang mamatay. Wala naman kasing naikwento sa kanya ang tatay niya. “Huwag mong ipagsasabi ‘yung kinuwento ko sa ‘yo. Gusto ko lang maintindihan mo kung bakit sila gan’yan, kaya sinabi ko sa ‘yo,” dugtong pa ni Manang Elisa. “Hindi po nila pinaalam ‘yung tungkol sa baby?” “Oo. Pamilya lang nila at malalapit na kaibigan ang nakakaalam, at saka kami na matagal na nilang kasama rito sa bahay, at ngayon pati ikaw alam mo na.” Napabuntong hininga si Aaliyah. “Ang lungkot naman pala ng nangyari sa pamilya nila. Kawawa naman si Sir Hugo dahil kahit wala siyang kasalanan, sinisisi siya ng anak niya. Kawawa din naman si Gael kasi maaga siyang nawalan ng nanay.” Natapos maghapunan si Aaliyah, pero hindi na bumalik si Gael at gano’n din si Hugo kaya pagkatapos niyang kumain ay hindi na niya nagawang kumain ng ice cream tulad ng ipinangako ni Hugo sa kanya. Pagkatapos niyang tumulong kina Manang Elisa sa paghuhugas ng pinggan ay bumalik na siya sa kwarto niya at pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Mula sa kanyang bag ay nilabas niya ang picture nila ng kanyang tatay na nakalagay sa picture frame at ipinatong niya ito sa drawer na nasa tabi ng kanyang kama. Maliban sa perang dala niya ito pa ang pinakamahalagang gamit na bitbit niya. Mayamaya’y narinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. “Aaliyah.” Narinig niya ang boses ni Hugo kaya agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at binuksan ang pintuan. “Sir Hugo, bakit po?” “I just want to keep my promise to you,” sabi nito sa kanya at mula sa likod nito’y may nilabas ito na mangkok na may laman na chocolate ice cream na may iba’t ibang toppings. Kinuha niya ‘yung mangkok mula kay Hugo, at saka siya nagpasalamat. “Tara po, saluhan n’yo po ako. Masyado po ‘tong marami, kaya hati po tayo.” “Are you sure?” “Opo,” nakangiti niyang sagot at pumasok na siya sa kanyang kwarto habang nakasunod naman sa kanya si Hugo. Magkatabi silang naupo sa kama at si Aaliyah ang naunang sumubo ng ice cream. “Sir, okay na po ba kayo ni Gael?” “No, at hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Ayaw na raw niyang tumira dito kasama ko, and he wants to stay na with his lolo and lola. Parents ng mommy niya. I don’t know if it’s the best for him. Kung pagbibigyan ko siya, I hope the distance will make him realize that he still needs a father in his life. Sana ma-miss niya ‘ko.” “Alam n’yo po sir, mami-miss niya po kayo. Sigurado po ‘yon. Tatay pa rin po niya kayo. Kahit gaano pa po ‘yung pagrerebelde ang gawin niya, hindi na niya po maaalis sa dugo niya ‘yung dugo n’yo na nananalaytay sa ugat niya. May connection po kayong dalawa na kahit sino walang pwedeng mag-alis, kahit ‘yung malayong distansya pa.” Pagkatapos magsalita ni Aaliyah ay napangiti at bahagyang natawa si Hugo. “Sir, may kumikiliti na naman po ba sa inyo?” tanong ni Aaliyah sabay subo uli ng ice cream. “Nakakatuwa ka kasi. Para kang matanda kung magsalita. Dapat ako ‘yung nagpapayo sa ‘yo, at hindi ako ang pinapayuhan mo.” “Wala naman po sa edad ‘yon, nasa laman po ng utak. Kain na lang po kayo ng ice cream. Baka makatulong po para makapagdesisyon po kayo nang tama.” Inabot niya kay Hugo ‘yung mangkok, at napatingin naman si Hugo sa braso niya. Kinuha ni Hugo ‘yung mangkok at ipinatong sa kama. Pagkatapos ay hinawakan nito ang braso niya at saka itinaas ang manggas niya. “Gaano katagal na nilang ginagawa ‘to sa ‘yo?” may pag-aalalang tanong ni Hugo sa kanya. Inilayo naman niya kay Hugo ang braso niya at ibinaba ang manggas ng damit niya. “Okay na po ako. Nagamot ko na naman po, ‘tsaka hindi na po nila ‘ko masasaktan dito.” “I can’t let this pass, Aaliyah. Kailangan managot sila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD