Bumalik sa alaala ni Hugo ang araw na dumating si Aaliyah sa bahay na ‘to. Musmos pa ito. Inosente pa sa makamundong bagay. Ang tanging gusto lang nito ay mabuhay nang masaya at maayos sa piling niya, dahil nawalan ito ng ama nang dahil sa kanya at may malulupit pang kamag-anak. Napaluha si Hugo. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay sinira niya ang buhay ni Aaliyah. Pero ngayon, sa halip na manatili ito sa kanya’y pinili na nito na lumayo. Hinawakan ni Hugo ang screen ng kanyang laptop, at hinaplos niya ang mukha ni Aaliyah sa naka-pause na video. “Baby, I’m sorry. Please come back to me,” lumuluhang hiling ni Hugo kahit na hindi naman siya maririnig ni Aaliyah. Pinunasan ni Hugo ang kanyang mga luha at lumabas siya ng kanyang kwarto. Bumaba siya at pinuntahan si Manang Elisa sa kusina.

