“Urban Wheels,” bulong ni Hugo habang tinatype niya sa kanyang cellphone ang pangalan ng taxi company na nagmamay-ari ng taxi na sinakyan ni Aaliyah sa video. Lumabas sa web browser ang address at telephone number ng kumpanya. Ini-screenshot niya ito at pagkatapos ay tinawagan niya ang numero ng telepono nito ngunit busy ang linya. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan ngunit hindi makapasok ang tawag niya. Hindi na siya makapaghintay kaya kinuha niya ang susi ng kanyang kotse at saka siya lumabas muli ng bahay. Pasakay pa lang siya ng sasakyan ng susunod-sunod ang naging pagtunog ng kanyang cellphone. Nang tingnan niya’y messages ito galing kay Ms. Cherry Anne na isa sa mga bosses sa TV network kung saan nakapiram ng exclusive contract si Hugo. Mukhang nakarating na rin sa mga ito a

