“Pwede ko bang malaman kung ano’ng nangyari?” tanong ni Hugo, dahil gusto niyang malaman kung gaano kadelikado ang Gary Mendoza na ‘yon. “May pagkabastos po kasi ang bibig niya at hinimas niya ‘yung kamay ng pasahero nang kunin niya ‘yung bayad na inabot nito. Pakiramdam nung pasahero nabastos siya kaya nagreklamo. Hindi naman po siya nakulong. Nagkaaregluhan at nagbayad na lang si Gary na inutang pa niya sa boss namin.” “Sir, may reklamo din ba kayo sa kanya?” tanong sa kanya ng manager. “Wala naman.” Wala pang reklamo si Hugo, pero kapag nalaman niya na may ginawa na masama ang Gary na ‘yon kay Aaliyah ay baka higit pa sa pagrereklamo o pagsasampa ng kaso ang magawa niya. “Kailangan ko lang siyang makausap, dahil may gusto akong itanong sa kanya tungkol sa isa sa mga naging pasahero

