“Pero, dapat siguro ito na ‘yung huling pagpunta mo rito sa bahay ko. I don’t want people to talk about us, lalo na’t kahawig mo si Aaliyah. The world can also be harsh, especially to people like me. May mga bagay akong nagawa sa nakaraan ko na hindi ko kayang ipagmalaki. Ayokong madamay ka. Baka ‘yung tahimik mong buhay, maging magulo nang dahil sa ‘kin.” “Naiintindihan ko.” “Aaliyah,” sabay na napatingin sina Hugo at Selena sa may pintuan nang dumating si Manang Elisa. “Este Selena pala! ‘Yung niluluto mo, ilalagay ko na ba ‘yung mga gulay?” “Ay oo nga pala!” Bumalik kay Hugo ang tingin ni Selena. “Hugo, babalikan ko lang ‘yung sinigang ko. Tatawagin ka na lang namin kapag kakain na.” May kaunting kurot sa kanyang puso nang marinig niyang tawagin siyang Hugo ni Selena. Ito ang nais na

