Nang talikuran na ni Hugo si Selena ay saka lamang siya sumimple ng ngiti. “H-hindi talaga kita pinupuri! H-hindi ka naman gwapo and you’re not my type! M-masyado ka ring matanda for me!” mariing tanggi ni Selena kaya humarap siyang muli sa dalaga na wala na ang ngiti sa kanyang mga labi. “Calm down, Selena. Hindi ko naman sinasabi na may gusto ka sa ‘kin o type mo ‘ko. Hindi ko rin naman gusto na mangyari ‘yon, dahil hindi ko gusto na pagdaanan mo ‘yung mga pinagdaanan ni Aaliyah nang magkagusto siya sa isang tulad ko. Hindi ko na rin gustong ma-in love uli. Hindi sa ‘yo o sa kahit na sino’ng babae. Lahat kasi ng nagmahal sa ‘kin, nasaktan ko lang. Itong si Manang lang ata ang kayang tumagal sa ‘kin,” biro niya sa bandang dulo kahit na seryoso siya sa mga sinabi niya sa dalaga. Hindi n

