“Pasensya ka na, hija. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Kamukhang-kamukha mo kasi si Aaliyah.” Pababa ng hagdan si Hugo kanina at napansin niyang bukas ang main door ng bahay kaya lumapit siya papunta rito. Palabas na sana siya ng bahay nang marinig niya si Manang Elisa at nang sumilip siya’y nakita niya si Selena na nakatayo sa labas kasama si Manang Elisa. Nakahawak pa ang matanda sa kamay ng dalaga at basa ng luha ang mga pisngi. “Kaya sana kung ano man ang naging hindi magandang impresyon mo kay Sir Hugo ay mawala na. Naikwento niya kasi sa ‘kin ang nangyari. Hindi naman niya sinasadya. Dala lang ng pagkasabik at pangungulila niya kay Aaliyah kaya niya nagawa ‘yon. Kahit naman ako, kung makikita kita’y iisipin ko talaga na si Aaliyah ka, dahil sa pagkakahawig n’yong dalawa. Ma

