“Manang, aalis po muna ako,” sabi niya at inabot niya kay Manang Elisa ang hawak niyang picnic basket na binigay sa kanya ni Selena. At pagkatapos ay humakbang na siya paalis. “Saan po kayo pupunta, sir?” tanong ni Manang Elisa sa kanya kaya huminto siya sa paglakad at humarap muli kay Manang. “Sa kwadra po ng mga kabayo.” “Hindi n’yo po ba titikman muna ito?” tanong ni Manang at pagkatapos ay binuksan ang takip ng picnic basket kaya nakita ni Hugo ang mga blueberry muffins na ginawa ni Selena at ang mango tapioca na nakalahay sa selyadong babasaging bote. “Ayoko po ng matamis Manang.” “Dahil po ba sinabi ng dalagang ‘yon na dapat mag-ingat kayo sa matamis?” nakangiting tanong sa kanya ni Manang Elisa na para bang may halong panunukso. “Hindi po, Manang. Ayoko lang po. Okay na sa ‘k

