Nilapitan ni Ms. Cherry Anne si Belinda at niyakap. “I’m sorry, hija. I believe you, pero may idea ka ba kung sino’ng pwedeng gumawa no’n?” Umiling si Belinda habang yakap pa rin ni Ms. Cherry Anne. “Family and close friends ko lang naman ang nagpupunta sa condo ko. At saka ‘yung P.A. ko si Cathy.” Nang banggitin ni Belinda ang pangalan ng P.A. nito, bigla itong napabitaw kay Ms. Cherry. “Naalala ko lang. Pagkaalis ni Hugo sa condo unit ko, tinawagan ko ‘yung mga friends ko, pero it’s either hindi sila sumasagot or hindi sila pwede. Kaya tinawagan ko si Cathy and niyaya ko siyang uminom. Pumunta naman siya agad sa condo unit ko, since malapit lang naman ‘yung bahay niya. Siya ‘yung una kong pinagsabihan sa nangyari sa ‘min ni Hugo and then the next day, kalat na ‘yung video namin.” Napasi

