“I will never forgive you for this!” sigaw ni Gael kaya napatingin siya rito. “Kasalanan mo ‘to! Nakita mo ba ‘yung mukha niya?!” sigaw nitong muli habang nakaturo ang daliri sa nakasarado nang pintuan ng morgue. “Hindi na ‘yon mawawala sa isip ko,” may diing sabi ni Gael habang dinuduro ang sariling sintido at nanlalaki ang mga mata na galit na nakatingin sa kanya. “Kaya hindi ko rin magagawang patawarin ka!” sabi pa nito habang mas may diin sa bawat salitang sinambit nito at dinuduro pa nang paulit-ulit sa didbib si Hugo. “Sana hindi ka patahimikin ng konsensya mo! Sana gabi-gabi mong mapaginipan ang mukha niyang ‘yon! Hindi ko na hihilingin na mamatay ka, pero hihilingin ko na habang buhay kang magdusa sa pagkamatay niya!” Bawat salita ni Gael ay tumatagos sa puso ni Hugo. Para itong m

