“Naku, Aaliyah, saan ba kayo galing ni Gael? Bakit ngayon lang kayo? At bakit hindi kayo ma-contact ng daddy n’yo. Alalang-alala sa inyo.” Ito ang sinalubong ni Ate Minda sa kanila ni Gael at pagkatapos ay tumingin ito kay Gael. “Alam na nga pala ng daddy mo na nandito ka na. May nagsabi raw sa kanya.” “Si Ms. Cherry Anne siguro,” sabi ni Aaliyah. “Eh saan nga ba kayo nanggaling?” tanong nitong muli sa kanila. “Nag-dinner kami sa labas. Hindi namin napansin ‘yung oras,” sagot ni Gael. “Na-drain ‘yung battery ng cellphone ko,” pagsisinungaling din niya kay Minda, dahil ang totoo’y pinatay niya ang cellphone niya at nawala na sa isip niyang buksan uli kung sakaling tumawag uli ang Daddy Hugo niya sa kanya. “Tawagan n’yo ang daddy n’yo. Kawawa naman. Nag-aalala.” “Ako nang tatawag kay d

