“Hugo, natawagan mo na ‘yung anak mo?” tanong ni Miguel sa kanya pagkatapos niyang isuksok sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone niya. Sinubukan kasi niyang tawagan uli si Aaliyah pero hindi niya pa rin ito ma-contact. Umiling si Hugo. “Hindi siya sumagot and when I tried to call her again, naka-off na ‘yung phone niya. Hanggang ngayon gano’n pa rin.” “Baka naubusan ng charge ‘yung cellphone tapos hindi makapag-charge. Parang ‘yung nangyari sa ‘yo. Pasensya nga pala uli kung nasira ko ‘yung charger mo. Napabili ka pa tuloy ng bago.” Ito ang dahilan kaya hindi nasagot ni Hugo ang tawag ni Aaliyah. Naiwan niya ang cellphone niya sa kwarto na tinutuluyan niya kaya hindi niya nasagot ang tawag ni Aaliyah hanggang sa ma-drain na ang battery ng cellphone niya. Hindi rin siya nakapag-char

