“Gael! Hindi ka naman marunong tumupad sa usapan. Ang usapan natin hahalikan mo lang ako nang isang beses sa pisngi sa tuwing itu-tutor mo ako,” nakanguso niyang sabi habang kunot ang noo niya. Pinaphirapan kasi siya ni Gael. Bawat ginagawa nito sa kanya ay dumadagdag sa guilt na nararamdaman niya, dahil dadagdag na naman ito sa ililihim niya kay Hugo. “I’m sorry. I can’t help it, lalo na kung gan’yan ka ka-cute,” nakangiting sagot nito sa kanya. “Mahilig ka ba sa pusa?” tanong ni Gael sa kanya habang nakatingin sa suot niyang night dress na may maliliit na print ng mukha ng pusa. “Ang random niyang tanong mo. Nakita mo lang na may pusa sa damit ko, naisip mo agad na mahilig ako sa pusa.” “Kaya nga tinatanong ko, para alam ko. Ang dami ko pa ngang gustong itanong sa ‘yo.” “Bakit hindi

