“Hugo, ‘yung lakad natin bukas, ah?” sabi ni Miguel sa kanya bago siya sumakay sa sasakyan niya kung saan naghihintay na sa kanya ang driver niyang si Paeng. “I’m not sure kung makakapunta ako. Kararating lang ng anak kong si Gael. I want to spend some time with him and Aaliyah.” Totoo naman ito. Hindi lang naman ang pagkasabik niya kay Aaliyah ang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na huwag nang sumama sa birthday party ng kaibigan nila bukas. Gusto rin niyang makasama si Gael lalo na’t ilang taon din ‘tong nanirahan sa ibang bansa upang mag-aral. Masaya siya sa pagbabalik ni Gael. Hindi nga niya inaasahan ang pagpayag nito na bumalik dito sa Pilipinas upang asikasuhin ang negosyo nila na bahagya na niyang napabayaan dahil sa sobrang busy ng kanyang schedule. Sunod-sunod kasi ang mga p

