“Padaanin n’yo kami at walang susunod!” Ramdam pa rin ni Hugo ang higpit ng pagkakahawak ni Gary Mendoza sa kanyang balikat, pati na rin ang patalim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Tela ng suot niyang polo ang tanging nasa pagitan ng kanyang balat at ng kutsilyo na hawak nito at isang maling kilos niya lang ay maaring bumaon ito sa kanyang katawan. Kita ang pag-aalangan sa mukha ng mga pulis at ng mga taong nakakasaksi sa nangyayari. Ngunit dahil si Hugo na mismo ang nagsabi na sundin na lang ang kahit na anong sabihin ni Gary kaya inutos ni Chief Madrigales na bigyang daan sila. Inurong ang mga barikada, at hinawi ng mga armadong pulis ang mga tao nakaharang sa daraanan nila. “Analyn! Sumunod ka sa ‘min!” sigaw ni Gary sa asawa nito na nagmamadaling lumapit sa kanina habang nakasap

