“Ibalik mo ngang tingin mo sa kalsada! Kapag nadisgrasya tayo, baka magdilim ang paningin ko sa ‘yo at masaksak kita!” sigaw kay Hugo ni Gary Mendoza habang nakatutok sa mukha niya ang kutsilyong hawak nito. Nanlalaki rin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Langhap din ni Hugo ang amoy ng alak mula sa hininga nito. Mukhang hindi lang pinagbabawal na gamot ang dumadalay sa dugo nito kundi pati alkohol. “Saktan mo ‘ko at ‘di mo makukuha ang perang pinangako ko sa ‘yo. Mahirap magtago nang walang pera, Gary. Kailangan mo ‘ko at ang pera ko. Magtulungan na lang tayo, kaysa magtalo,” mahinahon na sabi ni Hugo. May nararamdaman din siyang takot ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhan na makitang muli si Aaliyah, kaya kahit ipain ang buhay niya’y ginawa niya. “Gary, makinig ka sa k

