“I’m sorry, Hugo.” “Sorry?! Ano’ng magagawa ng sorry n’yo?! Wala na ‘yung taong makakapagturo kung nasaan si Aaliyah! Bakit kayo sumunod at biglang sumugod?! Bakit n’yo pinatay si Gary?!” galit na sigaw ni Hugo kay Chief Madrigales habang nasa labas sila ng bahay kung saan naganap ang barilan. Kasalukuyang nilalabas ang bangkay ni Gary Mendoza habang nakasunod rito ang umiiyak nitong asawa. Hindi na naisip ni Hugo na alagad ng batas itong kaharap niya at mataas ang posisyon. Kailangan niyang ilabas ang kanyang nararamdaman at nasa isip, bago pa magdilim ang kanyang paningin at sumabog siya sa matinding galit. “My men were in danger. Wala silang choice kundi paputukan si Gary. Nakita mo naman na nasa kamay ni Gary ‘yung baril at isa sa mga tao ko ang agaw buhay ngayon. Pwede ko ring ipa

