Halos dalawang buwan nang nawawala si Aaliyah, at wala pa ring makapagturo kung nasaan ito. Sa kabila nito’y hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Hugo. Kahit busy siya sa nalalapit na pagtatapos ng TV series na pinagbibidahan nilang dalawa ni Belinda’y may oras pa rin si Hugo sa paghahanap kay Aaliyah. At nang malaman niya na may prayer vigil na gagawin sa school ni Aaliyah, ay walang pagdadalawang-isip siyang nagpunta. “Hello po Tito Hugo,” salubong sa kanya ni Heaven nang papasok na siya ng chapel ng school. “Hi, Heaven. Where’s Hannah?” tanong niya habang tumitingin sa paligid. “Gusto ko lang pasalamatan kayong dalawa dahil sabi sa ‘kin ng class adviser n’yo, idea n’yo raw itong prayer vigil for Aaliyah.” “Umalis lang po sandali si Hannah. Medyo naging emotional po siya kanina, haba

