“Sir Hugo, okay na po kayo? Kayo na po ‘yung next,” sabi ng staff ng Sunday noontime variety show kung saan may production number ang buong cast ng TV series na pinagbidahan nila ni Belinda. “Kaunti na lang. Patapos ko na siyang lagyan ng make-up,” sabi ng make-up artist na nagmamadali siyang make-up-an, dahil late na siyang dumating. Ang totoo niyan ay nalasing siya kagabi at late na siyang nagising. Kung hindi pa siya ginising ni Manang Elisa kanina ay baka hindi siya umabot dito sa production number nila. Mula kasi ng mawala si Aaliyah ay hindi na siya nakakatulog nang maayos. Dagdagan pa ng mga salitang binitawan ni Gael. Apektado ang puso at isip niya sa mga nangyayari, kaya ang alak ang naging sandalan niya sa mga oras na kailangan niyang makatulog para maipahinga niya ang kanyan

