Masakit para kay Hugo ang nangyayaring paghuhukay ngayon. Para kasing tinatanggap na rin niyang patay na si Aaliyah kaya bangkay na nito ang hinahanap niya. Pero sinabi kasi niya sa kanyang sarili na hahanapin niya ang dalaga sa kahit na ano’ng paraan, kahit ano pa ang kalagayan nito, buhay man o patay. Nang aminin niya sa katapusan ng kanyang anniversary concert ang tungkol sa relasyon nila ni Aaliyah, pag-asa ang naging dulot nito sa kanya. Pag-asa na kapag nakarating ito kay Aaliyah ay babalikan siya. Ngunit sa paglipas ng mga araw na kahit isang text message man lang sana galing sa dalaga ay wala siyang natanggap, kaya ang pag-asang ‘yon ay unti-unting naglaho hanggang sa katiting na lang ang natira na pilit niyang pinanghahawakan. Nauubusan na ng paraan si Hugo kung paano mahahana

