Hindi pa nakakapasok ng kwarto sina Hugo at Selena ngunit pinapaulanan na siya ng halik ni Selena sa mukha—sa ilong, pisngi at labi. Kung halikan siya ni Selena ay para bang ang tagal nilang hindi nagkita, samantalang kahapon lamang ay magkasama sila. Saglit pa niyang tinuruan si Selena kung paano sumakay ng kabayo. Tulad ng naunang plano nila’y ang kabayong si Lucky ang sinakyan ni Selena. Nagawang makasakay ni Selena, ngunit nang mabagal nang palakarin ni Hugo ang kabayo habang hawak niya ang tali nito’y natakot na si Selena. Nataranta ito habang paulit-ulit na sinabi sa kanya na nais na nitong bumaba. Kaya tinanggal na lamang niya ang saddle na nasa likuran ng kabayo para pareho silang makasakay. Sa likuran ni Selena siya pumwesto habang pareho silang nakahawak sa tali ng kabayo. Ma

