“Busy lang siguro si daddy. Baka nakalimutan niyang mag-charge. Hindi naman niya siguro ililihim sa ‘tin ‘yung gano’ng bagay.” Binigyan dahilan ni Aaliyah ang hindi pagsagot ng daddy niya sa tawag niya pati na rin ang off na cellphone nito. Ayaw niyang pag-isipan ng masama si Hugo. Gusto niyang ibigay ang tiwala niya rito. Naisip rin niya na kaya lang naman naisip ni Gael na baka may girlfriend na itong bago na pinagkakaabalahan ngayon dahil hindi naman nito alam ang tungkol sa relasyon nila ni Hugo. “Maybe. But knowing dad, hndi naman niya agad sinasabi kapag may nililigawan siya or may bagong girlfriend. Minsan nga sa social media ko na nalalaman kasi natsitsismis na siya. You know, that’s one of the reasons kaya ayokong mag-artista. Mawawalan ka ng privacy, dahil gusto ng lahat ng tao,

