“Daddy, inaalagaan ko lang si Gael. Lasing kasi,” sabi niya sa kanyang isip. Wala namang siyang pagnanasa na nararamdaman kay Gael. Inisip nga niya na kung magiging stepmother siya ni Gael kapag nagkatuluyan sila ni Hugo ay ganito niya rin ito aalagaan. Kinakabahan nga lang siya dahil wala pa siyang nakikitang katawan ng lalaki maliban sa katawan ng kanyang Daddy Hugo. Hinila ni Aaliyah pataas ang polo ni Gael para matanggal ang pagkaka-tuck in nito at pagkatapos ay tuluyan na niyang inalis ang pinakahuling butones. Nang buksan niya ang polo nito’y hindi niya napigilang mamangha sa magandang katawan nito. Parang katawan din ito ni Hugo. Malapad ang dibdib at alon-alon ang muscle sa tiyan. Nakadagdag pa ang morenong kulay ng balat ni Gael kaya mas lalong ang kisig nitong tingnan. “Mas hot

