CHAPTER 48

1914 Words

Hinayaan na lamang ni Aaliyah na makatulog si Gael na nakayakap sa kanya. Pero nang mahimbing na ang tulog nito’y dahan-dahan niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kanya at umusog siya palayo rito. Naglagay pa siya ng unan sa pagitan nilang dalawa para magkahiwalay na silang makatulog. Pero nang magising si Aaliyah kinabukasan ay nakita niya ang sariling nakayakap na kay Gael habang nakadantay pa ang isang binti niya sa hita nito. Walang saysay ang unan na nilagay niya sa pagitan nila dahil mukhang siya rin ata ang nagtanggal. Napatingala siya kay Gael at nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog nito. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito habang rinig niya ang bawat paghinga nito. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap at pagkakadantay niya kay Gael para hindi ito magising.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD