“Si dad ba nakausap mo na?” tanong ni Gael pagkasakay nilang dalawa sa kotse. “H-hindi pa. Mamaya na lang siguro. I’ll try to call him again,” pagsisinungaling ni Aaliyah kahit na kanina lang ay ni-reject niya ang tawag ni Hugo. Ayaw niya muna kasing kausapin ito ngayong pinoproblema pa niya kung ano’ng gagawin niya kay Gael. Lahat na kasi ng naisip niyang dahilan ay nasabi na niya rito pero ayaw pa rin nitong tanggapin na hindi sila pwedeng dalawa. Kung pwede nga lang niyang sabihin na boyfriend niya ang ama nito’y tapos sana agad ang problema. “Susubukan ko rin siyang tawagan mamaya, para malaman na rin niyang nandito ako. I cannot wait for another day to tell him that I already confessed my feelings to you,” nakangiting sabi ni Gael sa kanya at kita niya ang excitement sa mga mata nit

