CHAPTER 118

1217 Words

“Selena, do you want more ice cream?” tanong ni Hugo. Dahilan niya lamang ito para makalabas siya ng kwarto dahil alam niyang palapit na ang bed scene niya sa pelikulang pinapanood nila. “Ayoko na ng ice cream. Ang lamig. Nakakumot na nga tayo oh,” sagot ni Selena sa kanya. “How about popcorn?” “Ayoko na rin. Ako nga lang ang umubos. Hindi ka naman kumain.” “Chocolates?” Inangat ni Selena ang sarili at naupong muli sa tabi niya. “Hindi ko pa ‘to nakakain,” sabi nito at ipinakita sa kanya ang chocolate na inabot niya rito kanina. “Gusto mo hati tayo?” “N-no, thanks,” sagot ni Hugo dahil hindi naman siya mahilig sa chocolate at kahit mahilig siya’y hindi niya ito tatanggapin mula kay Selena lalo pa’t may ibang nagsasabi na ang chocolate ay isang aphrodisiac. Hindi siya pwedeng kumain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD