Hindi sinagot ni Hugo ang tawag at binalik niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumapit naman si Belinda sa kanya at saka yumakap sa kanyang likuran. Naramdaman ni Hugo ang pagdikit ng malulusog na dibdib ni Belinda sa kanyang likod, at hinaplos pa nito ang kanyang dibdib, ngunit hindi ito sapat upang gustuhin pa niyang ituloy ang naudlot nilang dapat gagawin kanina bago makatanggap ng tawag si Hugo. “Sino ‘yon? Importante ba? Pwede mo namang sagutin muna. I can wait,” malambing na sabi ni Belinda habang nakapatong pa ang baba nito sa kanyang balikat. Hinawakan ni Hugo ang mga kamay ni Belinda at inalis ang pagkakayakap nito sa kanya at saka siya umusog palayo rito. “I’m sorry, Belinda. I can’t do this. This shouldn’t have happened. I’m sorry, I have to leave.” “W-wh

