“Sa tingin ko, si Lemuel dapat ang magturo sa ‘yo. He’s a better teacher than me,” sagot ni Hugo sa tanong ni Selena. Kaya naman niya itong turuan, ngunit naisip niya na baka pagsimulan ng usap-usapan tungkol sa kanila kapag siya ang nagturo sa dalaga. Sa tingin niya’y mas makakabuti sa kanilang dalawa kung didistansya sila sa isa’t isa kapag nasa labas sila at may ibang tao na pwedeng makakita sa kanila. Hindi rin niya gustong mapahamak si Selena kung sakaling makarating sa lolo nito ang pagiging malapit ng dalaga sa kanya, lalo pa ngayon na naikwento sa kanya ni Selena ang tungkol sa relasyon nito sa pamilya nito. Kahit alam niya sa sarili niya na hindi naman siya masamang tao, alam niyang hindi ito ang tingin sa kanya ng iba, lalo pa sa mga eskandalo at kaso na kinasangkutan niya. “

