“I can’t do that. Baby, I want you to hear it from me. Nagkamali ako at haharapin ko kahit ano pang consequences nito. Pero huwag ka sanang makipaghiwalay sa ‘kin. Please give me a chance to redeem myself. I love you so much, Aaliyah.” Kinuha ni Hugo ni kamay ni Aaliyah at pinaghahalikan niya ito. “I can’t lose you. Ikaw ang pinipili ko. Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi na ‘ko maguguluhan uli.” Umiiyak pa rin si Aaliyah at wala itong sinasabi kaya niyakap na niya ito. Ngayon na lamang niya muli nakitang umiyak nang ganito si Aaliyah. Naalala niya tuloy ang pag-iyak nito noong mamatay ang ama nito. Sising-sisi siya sa kanyang nagawa sa dalaga. Alam niya, na labis niyang nasaktan si Aaliyah para umiyak ito nang ganito. Tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata. “Please, baby. Stop cr

