Hindi maintindihan ni Aaliyah kung bakit humihingi ngayon ng sorry sa kanya si Hugo pagkatapos nilang magniig. Naguguluhan siya na may halong kaba, lalo pa’t hindi agad nasagot ni Hugo ang tanong niya. Tiningnan lamang siya nito na para bang humahanap pa ng mga salita at binubuo ito sa isipan nito bago sabihin sa kanya. ‘Yung tipong, magugustuhan niya kapag narinig na niya ang sagot mula rito. Napakalungkot pa naman niya buong araw dahil sa biglaang pag-alis ni Hugo nang walang paalam at hindi man lang ito nagparamdam sa kanya hanggang sumapit ang madaling araw, kahit na tinawagan pa niya ito. Kaya nga nang magising siya at maramdaman niyang nakayakap ito sa kanya ay labis ang kanyang tuwa. Ang akala kasi niya’y hindi na uuwi si Hugo at magpapaumaga na sa bahay ng kaibigan nito. Sanay pa

