“Manang, pasok po muna kayo. Dito po tayo sa loob ng kwarto ko mag-usap,” sabi niya at pagkatapos ay naglakad na siya papasok habang hawak ang tray na may lamang tasa na may mainit na tsaa. Ipinatong niya sa lamesita na nasa loob ng kanyang kwarto ang tray at pagkatapos ay humarap na siya kay Manang Elisa na nasa loob na ng kanyang kwarto. Tumingin rin siya sa pintuan at nakita niyang nakasarado na ito. Dito sa loob ng kwarto niya gustong makipag-usap kay Manang Elisa upang kahit na may mapag-usapan silang sensitibong topic ay walang ibang makarinig kundi silang dalawa lamang. “Tungkol po Aaliyah… Dalaga na po siya at mahal ko po si Aaliyah na—“ “Alam ko po sir pero masyado pa pong bata si Aaliyah para sa in—” Bigla siyang napatigil sa pagsasalita dahil sa biglaang pagsasalita ni Mana

