Pagkaparada ni Hugo sa parking area sa condominium na tinitirhan ni Belinda, kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-send siya ng text message sa dalaga at sinabi niyang nasa parking area na siya. Tinanong niya ito kung nasaang floor ang unit nito at kung anong unit number para masundo niya. Humingi rin siya ng pasensya kay Belinda dahil fifteen minutes siyang late sa oras na napag-usapan nila. Hindi niya kasi namalayan ang oras habang nasa sementeryo siya at nakaupo sa gilid ng puntod ng namayapa niyang asawa na si Natalia. Dahil sa pagiging busy niya sa trabaho at sa pagkahumaling niya kay Aaliyah, ay ngayon niya lang muli ito nadalaw. Dahil wala rin siyang mapaglabasan ng mga bagay na gumugulo ngayon sa kanyang isipan kaya kay Natalia niya lang ito nagawang sabihin. Halos lamunin

