CHAPTER 69 Nakatitig pa rin si Hugo kay Belinda nang tingnan na siya ng dalaga. Ibinaba nito ang kamay na nagpapahid ng ointment sa kanyang pisngi at saka ngumiti. “Sa dami na ng mga naging eksena nating dalawa, hindi pa rin ata ako masasanay sa tuwing tinititigan mo ‘ko nang gan’yan. You always make my heart race, Hugo.” “Am I truly doing that to you?” Hindi niya akalain na aamin nang ganito sa kanya ang dalaga. Tumango si Belinda habang pinamumulahan ng pisngi. “At titig mo pa lang ‘yon. Kung alam mo lang kung gaano ako kanerbiyos sa tuwing ikaw na ang kaeksena ko.” “Kaya ba sa tuwing hinahawakan kita ang lamig ng mga kamay mo?” Tumangong muli si Belinda. “Sabi mo sa ‘kin nilalamig ka lang. Bakit hindi mo sinasabi sa ‘kin na kinakabahan ka pala sa tuwing take na natin.” “Nakakahiya.

