Sabay silang bumaba ng sasakyan ni Belinda. Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang tumigil siya sa paglalakad at pagkatapos ay tumingin sa dalaga. “You don’t have to do this. Pwede ko namang gamutin sa bahay pag-uwi ko ‘tong mga sugat ko. Minor cuts lang naman ‘to. Hindi ko nga ramdam.” Biglang pag-aalangan ni Hugo sa planong pagpunta sa unit ni Belinda. Naisip kasi niya na para bang nagiging padalos-dalos siya sa mga desisyon niya. Hindi na naman siya nag-iisip tulad nang ginawa niya noong mag-umpisa ang bawal na relasyon nila ni Aaliyah. Naglakad palapit sa kanya si Belinda at hinawakan ang kanang kamay niya kung saan may sugat. Tiningnan nito ang mga daliri niya at bahagyang hinaplos ang parte na wala namang sugat. “Minor cut or not, gagamutin pa rin kita. C’mon, pumanik na tayo haba

