Pagmulat ng mata ko, ang una kong naramdaman… ay ang bigat. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa bigat ng lahat ng nararamdaman ko ngayon. Love. Gratitude. Fear. Hope. Lahat sabay-sabay. Nasa suite ako ng isang private garden villa sa Tagaytay. Pinili ni Leo ang lugar. Tahimik. Malayo sa ingay. Sapat para marinig mo ang t***k ng puso mo habang iniisip mo kung ano ang mangyayari sa altar mamaya. Naka-robe pa ako. Hair in curlers. Light music playing. Pero kahit gaano ka-ganda ang set-up, kahit gaano kalambot ang kama, hindi mapakali ang katawan ko. Sa tabi ng kama, may envelope. Galing kay Leo. My name, in his handwriting. Dahan-dahan ko itong binuksan. At habang binabasa ko ang laman, parang unti-unting tumigil ang mundo. > Serena, If you’re reading this, that means we mad

