Isang buwan na kaming magkasama ni Leo sa condo. Araw-araw siyang kasama, kausap, kayakap. Akala ko sanay na ‘ko. Pero sa bawat pag-gising ko sa tabi niya, parang lagi akong muling nahuhulog. Wala akong kaalam-alam. Wala akong ideya na habang abala ako sa trabaho, sa pagbuo ng bagong buhay ko—siya pala, tahimik na binubuo ang susunod na yugto ng amin. Minsan ko nang sinabi sa kanya na hindi ko alam kung makakapagtiwala pa ako nang buo, kung makakaya ko pang muling lumaban para sa pag-ibig. Pero ngayong narito siya—hindi lang bilang kasintahan, kundi bilang tahanan—unti-unti, tinuturoan niya akong maniwala ulit. At ngayong gabi, may plano pala siya na hindi ko alam. Friday evening. Pag-uwi ko mula sa firm, pinuntahan ako ng private car na sinabing “Sir Leo booked this for you, ma’am.”

