Pagkagising ko, tahimik ang buong kwarto. Maliwanag na sa labas pero malamlam pa rin sa loob—hindi dahil sa ilaw, kundi dahil sa pakiramdam. Pagod pa rin ang katawan ko. Mabigat pa rin ang dibdib. Pero naroon ‘yung init mula sa comforter, at higit sa lahat—ang presensya niya. Si Leo. Nasa gilid ng kama, nakaupo, hawak ang laptop, mukhang may tina-type habang nililingon ako paminsan-minsan. Hindi niya ako ginising. Pero ramdam kong siya ang dahilan kung bakit, kahit papaano, nakatulog ako ulit. Napansin niya ang galaw ko. Nilapag niya agad ang laptop sa gilid at lumapit. “Hey,” malumanay niyang bati. “How are you feeling?” “Mas okay,” sagot ko, bagama’t hindi pa rin buo ang boses ko. “Pero parang… pagod pa rin.” Umupo siya sa tabi ko, inayos ang kumot, hinaplos ang buhok ko. “Expect

