Hindi ko alam kung kailan naging desidido ang puso ko. Walang eksaktong araw. Walang eksaktong sandali. Pero isang umaga, habang nakatitig ako sa bintana ng kwarto sa Tagaytay at nakikita ang ulap na gumagapang sa bundok, alam ko na. Panahon na. Panahon na para tuluyang talikuran ang lahat ng iniwan ko sa Maynila—pati siya. Pero hindi ako aalis nang walang kahit isang salita. Kahit wala akong lakas ng loob na harapin si Leo muli, hindi ko siya kayang iwan nang walang katapusan. Hindi ko rin siya kayang kalimutan nang parang wala lang nangyari. Kaya nagsulat ako. Sa isang simpleng stationery, gamit ang ballpen na unang ginamit niya sa kontrata namin—ilang buwan lang ang nakalipas pero pakiramdam ko'y isang buong buhay na. Leo, You awakened me. You made me feel things I never thou

