LEONARDO POV Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas. Pero ang alam ko—wala na si Serena sa condo ko. At mula nung nawala siya, wala na rin ako sa sarili ko. Sampung basyo ng alak sa lamesa. Dalawang babae na hindi ko maalala ang pangalan—parehong wala nang suot, parehong nakahilata sa kama ko, parang walang nangyari. Pero ako? Nakatayo lang ako sa terrace, hawak ang baso ng whiskey, habang basang-basa ng ulan ang suot kong polo. Parang tangang umaasang may babalik pa. Umaasang makikita ko ulit ‘yung mga mata niyang galit pero puno ng sakit. Ang totoo? Wala akong balak saktan siya. Pero sinaktan ko pa rin siya. At ngayon, wala na siya. Hindi sapat ang lahat ng yaman ko para habulin siya kung ayaw na niya sa ‘kin. Hindi sapat ang kahit ilang babae para burahin ang bawat hal

