CHAPTER 18

2710 Words
Kinaumagahan, dinala pa rin ako ng paa ko sa lugar na dapat ay iniiwasan ko. Leo’s penthouse. Dala ang sarili kong mga tanong. Dala ang pusong pilit lumalaban, kahit dapat ay bumitaw na. Pagdating ko sa hallway ng unit niya, nanlamig ako nang makita kong nakabukas ang pinto. Mabagal ang bawat hakbang ko papalapit. “Leo?” tawag ko, mahina. Walang sagot. Dahan-dahan akong pumasok. Tahimik ang buong sala, pero may naririnig akong tinig—mula sa kwarto niya. Hindi ito normal na pag-uusap. Argumento. At hindi siya mag-isa. Paglapit ko, doon ko nakita… Si Mira. Nakatayo sa gitna ng kwarto, galit ang mga mata. Si Leo naman, nakahawak sa sintido niya, parang pigil na pigil ang sarili. “Puro ka pahirap, Mira,” sabi ni Leo, mababa ang boses pero matalim. “Pahirap?” sumbat ni Mira. “Ako? Ako ang pahirap, Leo? E paano ‘yung ginawa mo sa babaeng ‘yon?” Napapikit ako. Hindi ko alam kung aalis ba ako o tatapusin na ‘to. “Don’t,” patuloy ni Mira, “Don’t pretend na hindi mo plinano ang lahat. Alam na alam ko kung bakit mo nilapitan si Serena.” Tumigil si Leo sa paggalaw. “Mira…” “Akala mo ba hindi ko alam?” Halos tumawa si Mira. “Na ang buong relationship niyo ay bahagi ng paghihiganti mo sa nanay niya?” Parang sumabog ang hangin sa baga ko. “Ang sweet, diba?” bulong ni Mira, parang nang-iinis. “Seduce the daughter, break her. Para masaktan si Adelina Alcantara. Gantihan siya sa ginawa niya kay Camille.” Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakahinga. Parang may malupit na kamay na dumurog sa puso ko habang nakatayo ako sa pinto, tahimik, ngunit buo ang lahat ng naririnig. Plinano niya ako. Bawat halik. Bawat titig. Bawat “stay with me” at “I want you”—lahat ng ‘yon may lason. Napaatras ako. Pero sa lakas ng t***k ng puso ko, napansin ako ni Mira. “Well, speak of the devil…” sabay tingin niya sa likod ni Leo. “She’s here.” Biglang napalingon si Leo. At nang magtagpo ang mga mata namin… Doon siya tuluyang namutla. “Serena,” bulong niya, parang hindi makalapit. “Ano ‘to…” bulong ko, halos wala sa sarili. “Totoo ba?” Hindi siya agad sumagot. At sa katahimikang ‘yon… Alam ko na ang sagot. “Totoo ba?!” sigaw ko, mas malakas ngayon, nanginginig ang katawan ko. “Ginamit mo ako?! Ginamit mo ang buong pagkatao ko para gantihan ang nanay ko?!” “Serena, please, hindi ganon—” “Then tell me!” Humakbang ako papasok sa kwarto. “Sabihin mo na hindi mo ako plinano! Na hindi mo sinadya na paibigin ako! Na totoo lahat!” Si Leo, tahimik. Nakapikit. Parang durog din. At si Mira? Nakangisi. “Wala na siyang masasabi, Serena,” malamig na sabi ni Mira. “Kasi alam niyang totoo lahat. Maiwan ko na kayo. Magkikita pa tayo. Hindi ko kayo titigilan.” Napatingin ako kay Leo—taong minahal ko, pinagkatiwalaan ko, at inakalang ligtas ako sa kanya. Pero ngayon… Siya rin ang sumira sa akin. “Sabihin mo sa ‘kin na hindi totoo.” Ang tinig ko’y halos pabulong habang nakatingin ako kay Leo, ngunit sa loob-loob ko, sumisigaw na ako. Nakangiti siya—pero wala doon ang init. Wala rin ang haplos ng lalaking nagligpit ng luha ko kagabi. Tanging lamig. At katotohanan. “I deserve that,” bulong niya, “You were never part of the plan, Serena.” Parang binugbog ang puso ko sa mga salitang ‘yon. “Anong… ibig mong sabihin?” Hindi siya agad sumagot. Dinampot niya ang isang basong may laman pang alak. Hindi ininom. Tinitigan lang—parang doon siya humuhugot ng lakas. “Plano ko lang noon—was to hurt her,” aniya, malamig. “Your mother. To make her pay for what she did to my mom. For what she destroyed.” Napaatras ako. Parang nanlamig ang buong katawan ko kahit na may apoy sa fireplace sa gilid namin. “So nilapitan mo ‘ko… nilandi mo ‘ko… dahil alam mong ako ang pinakamahinang link sa kanya?” He looked at me then—at walang alinlangan sa mata niya. Only guilt. And something worse—regret. “Noong una, oo.” Humagulhol ang dibdib ko. Hindi pa man lumalabas ang luha ko, ramdam ko na ang bigat nito sa loob. “Kaya mo ‘ako ginamit.” “Serena…” lumapit siya, pero umatras ako. “I didn’t expect this. You. The way you make me feel. How you ruined every wall I built for years—” “Stop.” “—how you made me want to be a man I never thought I could be.” “Leo…” He tried to reach for my hand, pero nilayo ko iyon. “You made me fall in love with you,” bulong ko. “Habang ako, ginagawa kitang tahanan. Ikaw pala… may tinatarget.” “I fell too, Serena. I didn’t see it coming.” His voice cracked. “Pero totoo lahat. Hindi kita niloko tungkol sa mga naramdaman ko. Hindi ko ginusto. Pero nangyari.” “Too late,” sabi ko, mahina, basag ang boses. Tahimik. Parang biglang huminto ang mundo namin. And maybe that’s what heartbreak really is. Not screaming. Not shouting. Just silence… and the slow realization that the person you thought would protect your heart— Was the same one who planned to destroy it. “Serena, please…” “Sabihin mo!” sigaw ko. “Sabihin mong hindi mo sinadya! Na wala kang balak sirain ako! Na hindi mo ginamit ang katawan ko para lang gantihan ang nanay ko!” Tahimik. Sobrang tahimik. Hanggang sa narinig ko ang basag niyang tinig. “…Hindi ko mapagsinungalingan ‘yan.” Parang tumigil ang mundo ko. “What?” bulong ko. “So… tama si Mira? Plinano mo talaga ako?” Leo finally looked up. At doon ko nakita ang bigat sa mga mata niya—hindi lang galit. Hindi lang lungkot. Guilt. Real, raw guilt. “Noong una, oo,” marahan niyang sabi. “Nilapitan kita dahil gusto kong saktan si Adelina. Dahil sa ginawa niya kay Camille… sa nanay ko.” Napalunok ako. Nanuyo ang lalamunan ko. “Ayos lang ba sa ‘yo na gamitin ang anak niya?” pabulong kong tanong. “Na ibaba ako sa ganung klaseng laro?” Napapikit siya. Tumango, bagal, bagsak ang balikat. “Akala ko kaya ko.” “Kaya mong ano? Sirain ako?” “Kaya kong huwag mahulog sa’yo.” His voice broke. “But I did.” Hindi ko alam kung maiiyak ako o susuntukin siya. “Leo…” “I fell for you,” bulong niya, tinuturo ang sarili niya. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Baka noong una kitang nakita sa hallway ng building niyo. O baka noong sinigawan mo ako sa opisina, ‘yung una mong tapang. Baka noong una kitang ginising gamit ang kape. Hindi ko alam.” Humakbang siya palapit. “Ayaw kong mahalin ka. Pero minahal kita.” “Then bakit hindi mo sinabi?!” Iyak na ang boses ko. “Bakit hindi mo sinabi agad?!” “Dahil alam kong hindi mo na ako mapapatawad kapag nalaman mo.” At sa puntong ‘yon, kahit pilit kong pigilan, tumulo ang luha sa mga mata ko. Isa-isa. Mainit. Masakit. “Hindi mo alam kung gaano ko ipinaglaban ‘tong nararamdaman ko para sa’yo, Leo. Hindi mo alam kung gaano ko kinontra ang sarili kong pamilya, ang sarili kong isip, para lang maniwala na totoo ka.” Lumapit siya. Hindi ko siya pinigilan. Hinawakan niya ang pisngi ko, marahan, parang natatakot masira ulit. “Hindi ko na alam kung anong totoo, Leo,” bulong ko. “Kasi ginawa mong laro ‘yung buong pagkatao ko.” Hinalikan niya ang noo ko—walang pilit, walang pag-angkin. Puno lang ng pagsisisi. “I know,” bulong niya. “At kahit araw-araw akong magsisi, alam kong hindi ‘yon sapat.” Humakbang ako palayo. At kahit parang pinupunit ang dibdib ko, sinabi ko ang kailangan kong sabihin: “I can’t do this anymore.” “Serena…” “I need to go.” “Please—” Tumingin ako sa kanya, buo ang luha sa mata ko, pero matatag na ang boses. “You fell for me? Good. Kasi ako ang babangungot mo ngayon.” And with that, I turned around. Wala nang yakap. Wala nang halik. Wala nang paalam. Umalis ako. Hindi ko na alam kung ilang hakbang ang nilakad ko. Basta ang alam ko lang—nanginginig ang katawan ko. Hindi sa lamig. Kundi sa sakit. Hindi ko na siya nilingon. Ni hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o nanatili lang siyang nakatayo sa loob ng penthouse niya, kasama ang lahat ng kasinungalingan na itinahi niya sa paligid ko. Wala akong kinuha. Ni hindi ko dinala ang overnight bag ko. Ni hindi ko isinuot ang heels ko. Barefoot akong bumaba sa elevator, yakap lang ang sarili kong balikat at ang punit-punit na puso ko. Paglabas ko ng building, umambon. At siguro, tama lang. Kasi kahit ang langit, parang nakikiramay sa bigat ng loob ko. Pagdating ko sa condo, hindi na ako nagsindi ng ilaw. Dumiretso lang ako sa kama, binagsak ang sarili ko sa ibabaw ng unan, at doon ko lang tuluyang binitiwan lahat. Tahimik ang iyak ko. Walang hikbi. Walang sigaw. Pero ramdam ko ang pag-uga ng dibdib ko sa bawat patak ng luha. Lahat ng ginawa namin— Lahat ng binuksan ko para sa kanya— Lahat ng inamin kong takot kong ipakita sa kahit sino… Laro lang pala. At oo, sabi niya—he fell for me. Pero ang tanong… Enough ba ‘yon para mapatawad ko siya? I deleted his number. Hindi ko tinignan ang mga picture namin. Hindi ko binuksan ang mga mensahe niya. At kahit gabi-gabi kong naiisip kung anong gagawin niya kapag nalaman niyang wala na ako—hindi ko na binigyan ng chance ang sarili kong bumalik. Hindi ako nagpaalam. Kasi wala nang dapat paalamin. Kinabukasan din umalis ako sa condo. Walang kibo. Walang suklay. Walang kahit anong ayos. At noong ika-apat na araw— Nagbook ako ng Grab papuntang Tagaytay. Walang paalam. Walang nagsabi kung hanggang kailan. Basta gusto ko lang… tumakas. Tumakas mula sa lahat. Mula kay Leo. Mula sa nanay ko. Mula sa kasinungalingang gumapos sa buong pagkatao ko. Pagdating ko sa maliit na resthouse na pinahiram ni Belle sa akin, hindi ko agad binuksan ang ilaw. Binuksan ko lang ang bintana, hinayaan ang malamig na hangin ng Tagaytay pumasok sa loob. Doon ko lang muling naramdaman ang sarili ko. At doon ko rin napagtanto— Masakit pala talaga… ‘yung hindi ka naman iniwan, pero kailangan mong umalis. Dahil alam mong kung mananatili ka pa… Mas lalo kang mawawala. Hindi ko alam kung paano niya ako natagpuan. Siguro dahil best friend ko siya. O baka dahil hindi na rin ako mahirap hanapin kapag nasasaktan—lagi ko lang namang tinatakasan ang Maynila at sinisilungan ang lamig ng Tagaytay. Alas-dos ng madaling araw. Walang ingay kundi ang hangin sa labas at ang mabagal na tik-tak ng wall clock sa sala. Naka-jacket ako, naka-headband, may hawak na mug ng malamig nang tsaa na hindi ko na rin nainom. At doon siya dumating. Hindi kumatok. Hindi nagsalita agad. Narinig ko lang ang pagbukas ng screen door. Paglingon ko mula sa bintana—naroon siya. Basang-basa, hinihingal, parang tumakbo buong daan. “Serena…” Napapikit ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako… o matatakot. Kasi kahit si Raf, kahit ang presensya niya na dati’y laging safe—ngayon, parang pabigat. “Paano mo ‘ko nahanap?” mahina kong tanong. “Belle told me. You shut everyone out. I got worried.” Lumapit siya. Nilapag ang bag na dala niya at tinignan ang buong paligid—ang hindi inayos na bedsheets, ang mga mug ng kape sa mesa, ang tissue sa basurahan. “You’ve been crying,” sabi niya. Tumawa ako—mapait, pilit. “Congratulations, abogado ka nga.” “Stop,” sabay lapit niya. “Just… let me be here. You don’t have to pretend with me.” At sa hindi ko maintindihang dahilan… Bumigay ako. Bumagsak ang katawan ko sa dibdib niya. Mainit ang yakap niya, matatag, pamilyar. Walang halong pagnanasa. Walang expectations. Yakap lang. Pahinga lang. At doon ako muling umiyak. Matagal kaming tahimik. Hanggang sa… “Serena,” bulong niya habang nakaupo kami sa couch, ako’y nakasiksik sa dibdib niya. “Kung nasaktan ka niya—” “Nakasakit siya,” putol ko. “Pero hindi lang siya ang problema.” “Gusto mo bang—” “Hindi ko kayang pag-usapan ngayon,” bulong ko. Tumango siya. “Okay. I’ll wait.” Kahit ilang oras pa. Kahit ilang araw. At that moment, I realized—Raf was the one who always stayed. Siya ang laging andoon. Hindi man siya si Leo. Pero hindi niya rin ako sinaktan. Gabi na. Ulan ang tanging musika sa bubong. Naka-dim lang ang ilaw sa sala, at ang maliit na fireplace ay nagbibigay ng init sa loob ng resthouse. Nasa kusina si Raf, nagbubuhos ng wine sa baso habang ako’y tahimik na nakaupo sa countertop—nakasuot ng oversized hoodie na hindi ko maalala kung akin o sa kanya. Basta malambot. At ligtas. “Gusto mo pa ba ng wine?” tanong niya, may ngiti pero may lungkot sa mata. “Konti lang,” bulong ko. Lumapit siya at iniabot ang baso. Nagdikit ang mga daliri namin. Sandaling kuryente. Sandaling paghinga. Tahimik kaming uminom. Walang usapan. Walang pilitan. Pero may bigat sa pagitan namin—hindi galit, kundi mga salitang hindi masabi. Mga damdaming hindi matanggal sa pagitan ng pagkakaibigan at… ng “puwede sana.” “Serena…” basag ni Raf sa katahimikan. “Alam kong mahal mo pa rin siya.” Napalingon ako. “Pero pwede ba kitang mahalin kahit hindi mo pa ako mahal?” Hindi ako nakasagot. Hindi agad. Pero hindi ko rin siya pinigilan nang hawakan niya ang mukha ko. Hindi ko rin siya tinabig nang dahan-dahan niyang hinalikan ang pisngi ko, pababa sa gilid ng labi. At nang hinalikan niya ako sa labi—hindi ko siya tinulak. Hinayaan ko. Dahil gusto kong maramdaman na may ibang puwedeng sumalo sa’kin. Na baka… puwedeng maghilom. Dinala niya ang kamay niya sa baywang ko. Hinalikan niya ulit ang labi ko—mas mariin ngayon. At nang pinasadahan niya ng dila ang ilalim ng labi ko, kusa itong bumuka. Mainit ang katawan ko. O baka gutom lang ako sa koneksyon. O baka gusto ko lang makalimot kahit saglit. His hand moved under the hoodie, finding bare skin. “Serena…” ungol niya habang nilalapat ang katawan niya sa’kin. “Sabihin mo lang. Kung ayaw mo, titigil ako.” Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang. Hinalikan niya ang leeg ko. Dahan-dahan. May pagnanasa. Kinakabahan ako, pero hindi dahil sa kanya. Kundi dahil habang ginagawa niya 'yon— ang pangalan ni Leo ang nasa isip ko. Nang hawakan na ni Raf ang hita ko at hinila ang hoodie pataas— doon ko naramdaman ang biglaang paghinto ng mundo. Tumigil ang puso ko. At parang… isang boses ang pabulong na nagsabi: “Hindi ito ang katawan na dapat sumagot sa sakit.” “Raf…” bulong ko, habang tinatanggal ang kamay niya sa hita ko. Napahinto siya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng mukha ko, pilit binabasa ang mga mata ko. “Ayok—” Kumirot ang lalamunan ko. “Ayoko.” Tumango siya. Walang galit. Walang pilit. Hinila niya pababa ang hoodie ko. Tinakpan ulit ang balat ko. At pinisil ang kamay ko nang marahan. “I’m sorry,” bulong niya. Ako rin. Dahil kahit ilang ulit pa siyang maging mabait… kahit ilang gabi pa ang dumaan… “He still owns my body,” bulong ko. At sa unang pagkakataon, inamin ko sa sarili ko: Hindi pa tapos si Leo sa’kin. At ako… hindi pa rin tapos sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD