2027 Nagdala si Erwin ng lugaw kay Mang Pol para sa almusal. Tatlong plastik ang inorder niya. Para na rin kina Benjie at Vincent. Inabangan pa nila kagabi si Jerry kung babalik pa, pero hindi na nila ito nakita po no’ng gabing iyon. Hindi nila alam kung nasa’n na ito nagpunta. Kahapon ng gabi ay inasikaso nila ang kani-kanilang mga sugat. May isang sugat si Benjie na kailangang tahiin pero hindi siya marunong at nahihiya siyang magpatulong sa matanda kaya gumising siya nang maaga para makita kung may klinik na bukas. Do’n niya pinatahi ang sugat. Hindi naman ga’nong malala ang mga naging tama ni Vincent kaya siya na mismo ang nag-asikaso nito. Habang kumakain, napagbubulay-bulay ni Vincent sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Hindi pa rin niya maalis ang paninisi sa sarili sa nangyari

