2015 Nagpa-load si Louis sa Cell phone niya para matawagan ang mga kaibigan niya tungkol sa plano nilang tumakas. Kailangan nilang magpumilit na lumisan sa kani-kanilang tahanan para maisalba ang mga buhay nila. Binigay ni Vincent ang mga number ng kaibigan na naka-save sa cell phone niya. Si Jerry ay walang cell phone. “Pa’no natin siya tatawagan?” tanong ni Louis. “Lumalalim na ang gabi,” sabi ni Vincent. “Tingin mo ba okay pang palabasin natin sila? Di kaya delikado?” Napaisip si Louis sa sinabi ng kaibigan. “Eh pa’no ang gagawion natin? Do’n lang dapat sila sa loob?” “Oo.” “Ligtas ba sila ro’n?” “May mga kasama sila sa bahay. Siguro mababantayan naman siguro sila. Ang pinag-aalala ko lang eh si Ricky saka si Benjie, eh.” “Bakit?” “Eh ‘yung iba kasi, may kasamang lalaki sa baha

