Kabanata 35: Paghahanda

1080 Words

2027 Nagsisimula nang dumilim ang langit. Tiningnan ni Jerry ang oras sa bago niyang biniling cell phone. Tapos na ang hapon. Maaga siyang naghapunan kanina sa canteen para makapaghanda agad. Hindi na siya bumili ng baril. Gusto niyang maranasan ang kaluguran ng pagtarak ng talim ng palakol niya sa ulo ng makasalanang iyon. Gusto niya na ang huling makita nito ay ang mukha niya at ang mga galit niyang mata. Gusto niyang dalhin nito ang imaheng iyon sa isip nito hanggang sa bumaba siya sa impiyerno. Nag-aabang lang siya sa loob ng kuwarto. Nang bumalik siya matapos maghapunan ay muli niyang sinilip ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng tumutugis sa kanya. Wala pa ring nagtatago. Kahit na nagdoble ang seguridad sa premise ng motel, hindi pa rin sigurado si Jerry kung sapat na ito para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD