2027 Nagcheck-in siya sa motel kung saan sila nanatili no’n. Ang lugar kung sa’n huli nilang nakasama nang buhay si Ricky. Dahil sa nangyaring insidente, mas dinoble pa ng mga guwardiya at otoridad ang pagbabantay sa premise. Pinagkatiwalaan na lang ito ni Jerry. Pumasok siya sa kuwarto niya at sinilip ang mga espasiyong maaaring pagtaguan ng kahit sino. Sinilip niya ang ilalim ng kama, mga kabinet, at banyo. Wala. Mag-isa lang siya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang panganib na sinuong niya. Alam niya na ngayong mag-isa siya, mas malaki ang posibilidad ng kapahamakan niya. Ang aasahan na lang niya ay ang sarili niya at ang binili niyang palakol. Bumili na rin siya ng bagong cell phone. ‘Yung de-pindot lang na mumurahin. Bumili rin siya ng sim card at nagpa-load para may pangtawag. K

