Chapter 7 : Escape

1750 Words
***************** Isabelle **************** Dahan-dahang minulat ni Isabelle ang mga mata. Madilim. Ang nakasinding lampara lang ang nakikita niyang ilaw. Nadidinig na din ang mga huni ng mga kululiglig. Marahan siyang bumangon. Hindi na ganoon kasakit ang ulo at wala na rin ang nakakabinging tunog. Wala na rin yung gwapong lalaking kuminidnap sa kanya sa loob ng kwarto. Nadinig niyang kumulo ang tyan. Nagugutom na siya at nauuhaw. Parang tuyong-tuyo ang lalamunan. Hindi niya matandaan kung kailan pa siya huling kumain pero alam niyang kailangang malamnan na ang sikmura. Kailangan niyang makaalis doon. Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang mga paa. Naglakad siya papuntang pintuan at sinubukang buksan ang pinto. Hindi niya maitulak. Paniguradong naka-lock iyon mula sa labas. Pumunta siya sa bintana. Gawa iyon sa kahoy at Capiz tulad sa mga bahay sa probinsya. Mabuti at nabuksan niya nang walang hirap. Gininaw pa nga siya nang pumasok ang malamig na hangin sa loob. Madilim pero naaaninag niya ang sanga at dahon ng malalagong puno. Mukhang nasa kalagitnaan ng kagubatan ang bahay na pinagdalhan sa kanya. Nakikita niya ang ilang hibla ng liwanag sa di kalauyan. Papasikat na siguro ang araw. Sumilip siya pababa. Mataas pala ang kinalagyan, mga tatlong palapag. Napalingon siya pabalik sa kama. May kumot mga doon na pwede niyang gamitin. Pwedeng siyang maglambitin pababa. Oo. Pwede. Kaya! Makakatakas ako! Mabilis siyang kumilos at kinuha ang mga kumot. Pinagbubuhol niya ang mga dulo noon para humaba. Pagtapos ay agad niyang itinali ang pinakadulo noon sa hamba ng bintana. Napangiwi siya nang hindi umabot sa lupa ang mga tali ng kumot. Sabagay, kaya na siguro niyang talunin. Kailangan siguro na tahimik siyang bumaba dahil baka madinig siya nung lalaki. Go. Isabelle! Kaya mo yan! Dahan-dahan siyang lumabas sa bintana. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Ilang metro nalang nasa baba na siya. Apat. Napigtal ang buhol ng kumot at tuluyan siyang nahulog. Di na siya nakakapit. Napaigik siya nang tumama ang katawan sa lupa. Bumuga siya ng hangin. Buhay pa siya. Hindi gaanong malakas ang pagkahulog niya. Hindi naman siya masyadong nasaktan. Wala siyang naramdamang gaano. Siguro kaunting galos sa likod. Kaso napunit na ang nightgown na suot dahil sa kanipisan noon. Kitang-kita ang mga binti. Wala siyang underwear. Bahala na, wala naman sigurong ibang makakakita, naisip niya. Mahalaga makatakas siya sa lugar na yon. Tumayo siya agad at tumakbo papalayo sa bahay. Ramdam niya ang bawat maliliit na bato at sanga na naapakan.Tiniis nalang niya ang sakit. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon pero kailangan niyang makahingi ng tulong. Maniniwala ba ang mga pulis kapag sinabi niyang kinidnap siya ng isang gwapong lalaki tapos naaksidente sila? Na patay na dapat siya tapos bigla siyang nabuhay? Baka mental hospital ang bagsak niya. Hindi na importante! Ang mahalaga makatakas. Natigil siya sa pagtakbo nang may naririnig na tunog nang mga busina at mga makinang umaandar. May kalsadang malapit lang sa paligid, sigurado siya. Makakaalis na siya doon. "Yes!" Hahakbang na sana siya uli nang may isang kamay na humila sa balikat. Pwersahan siyang pinahiga sa lupa. Naramdaman agad niya ang bigat nang pagpatong ng katawan ng kung sino. Pumiglas siya pero masyado itong malakas. "Where are you going, Mademoiselle? It's dangerous out here." Lalaki. Gwapo din pero hindi ito ang kidnapper niya. Mahigpit na natakpan nito ang bibig bago siya tuluyang nakasigaw. Balewala ang kahit ano mang pagpipiglas. Hindi ito umaalis sa pagkakadagan. "Ssshhh," saway ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya. "No one will hear you here." Napatitig siya sa mga mata nito. Pula. Bigla siyang nilukuban ng takot. Sobrang takot. Hindi yata tao ang lalaking ito. Di na rin siya makasigaw lalo. "Yes, yes. That's it. Behave my dearest." Tinanggal nito ang kamay sa bibig niya at unti-unting gumapang iyon sa leeg. Hindi siya makahinga. Wag...wag... "Tssss...Too bad, you're sired by someone else," bulong nito. "But still--" "Pierre!" Napasinghap siya. Pamilyar ang boses. Sigurado siyang yon yung kidnapper. Natigilan naman ang lalaking nakadagan sa kanya. "Your prince is here." Bulong pa nito. Lumayo ito sa leeg at ngumisi. Tumayo at iniwan siyang nakahiga parin sa lupa. "Alejandro, my brother. Missed me?!" Tama nga. Alejandro. Iyon nga yung lalaking kidnapper. Nagpakilala nga pala ito kanina. Pinilit niyang umupo. Halos mahubaran na siya sa pagpupumiglas kanina. Napunit ang dalawang strap ng suot na nightgown. Kinuha nalang niya ang natitirang tela noon at tinakip sa katawan. "You're not supposed to be here, Isabelle." Agad na lumapit si Alejandro sa kanya at tinulungang tumayo. "Cover yourself." Sabi nito. Sabay hubad ng suot na t-shirt at inabot sa kanya. Napanganga siya sa nakita. Parang isang greek statue na nabuhay. Firm na na firm ang mga muscles. At ang abs... Napailing siya. Hindi niya dapat iniisip yon. Muntik na nga siyang magahasa, ganoon pa ang pumapasok sa utak. Tumalikod siya para isuot ang t-shirt. Umabot lang ito hanggang gitna ng binti. Pwede na, kaysa naman nakahubad. Pero naman tumatayo ang balihibo niya. Nakadikit ang amoy ni Alejandro sa suot. Yung amoy sinaing. Ang bango. Di niya mapigilang pasimpleng singhutin. "Umalis ka na dito, Pierre." Dinig niyang sambit ni Alejandro. Hala nananagalog pala! Nakaharang na pala ito sa pagitan nung r****t kanina. "This is my family's territory, you have to remember that, Alejandro. Wala kang karapatang paalisin ako." Sagot nung isa. "You have a pretty little pet, by the way." Ngumisi yung tinatawag na Pierre sa kanya. Nakakita siya ng pangil sa mga ngipin nito. Napalunok siya. Napahakbang siya sa likod ni Alejandro. "She is not my pet. Leave her alone," sambit nito. "And this is not your place, this is mine. Uulitin ko, umalis ka na. You know what I can do." Ramdam niyang may pagbabantang kasama yon. Nabawasan ang takot niya kahit papaano. Hindi na siya magpagsasamantalahan nung lalaki. "Fine." Biglang nawala ang lalaking yon sa harap nila. Para siyang namalik-mata. Walang bakas itong naiwan. Hala. Pano yon? Magic? "Isabelle." Halos napatalon siya nang tinawag ni Alejandro ang pangalan. Hindi siya makalingon dito. Medyo nahihiya na din siya sa ayos. "Sa...Salam---" Bigla siya nitong binuhat. Muntik na siyang napatili. "Don't ever do that again," bulong nito sa kanya bago maglakad. Tumango nalang siya at tumahimik. Hindi na siya pumalag. Napansin nalang niya na nakabalik na sila sa bahay. Hala, ang bilis! Karga parin siya nito hanggang makarating sa kwarto. Pakiramdam niya napakagaan niya lang, na ang dali lang para kay Alejandro na bitbitin. Ibinaba pa siya nang marahan sa kama pagpasok. "Are you alright?" Malumanay na tanong nito. Hinawakan pa ni Alejandro ang balikat. Bumaba ang kamay nito sa braso at kamay na parang initingnan ang bawat galos na nakuha. "Sinaktan ka ba nya?" Di siya agad makasagot. Bumalik sa kanya na muntik na siyang ma-r**e kanina. "Isabelle?" "Hi...Hindi..." Doon na niya nailabas ang lahat ng takot na naramdaman kanina. Napahawak pa siya sa dibdib. Parang nahihirapan siyang huminga. Nagluluha na rin ang mga mata. "Jusko...A-akala ko..Akala ko lang magagahasa na ko.." "Shh.. It's alright..." sambit nito. "I won't let him hurt you again." Marahan siyang tumango. "Bakit mo ba ginawa yon? Bakit ka umalis?" Tanong ni Alejandro. Mas komportable siya dahil nanagalog ito ngayon. Mas naiintidihan niya dahil diretso. Walang accent di tulad nung isa. "G-Gusto ko lang umuwi." Sambit niya. "You can't and I can't let you." "Bakit--" Saglit siyang natigilan nang umangat ang tingin sa dibdib nito. Wala itong damit. At siya, alanganin ang suot. Nasa kama sila. Iniwas niya ang tingin pero ang hirap. Ang ganda kasi ng katawan talaga. Yunh abs. Ang firm ng chest. Yung biceps ang sarap-- Hindi, mali yan Isabelle, muntik ka na ngang magahasa kanina! Pilit niyang pinaalala sa sarili. Tumayo si Alejandro sa kama. "Forgive me if I made you uncomfortable." Sabi nito. Nakapagat siya ng labi. Ang gentleman namang kidnapper nito. "A-Ano bang kailangan mo sakin?" Tanong niya. Hanggang ngayon hindi niya pa alam ang motibo nito. "Kailangan ko nang umuwi sa amin. Hahanapin ako nang pamilya ko." "You can't go back to them, Isabelle." Sabi nito. "You're not human. Not anymore." Napakunot siya ng noo sa sinabi nito. "Wait..naka drugs ka ba?" Sambit niya dito. Muntik na nga siyang matawa sa kabila nang lahat. Ang gwapong lalaki, may saltik. Sayang naman. Pero di ito sumagot, kita-kitang niya na hindi nga ito nagbibiro. Nakahawak ito sa noo. Napapikit pa nang mariin at nakayuko na parang pinipigilan ang sarili. Natahimik siya at napalunok. "Hindi...hindi ako naniniwala." Sambit nalang siya. "Do I have to prove it?" Unti-unti niyang inangat ang tingin. Napaawang ang bibig niya nang makita ang mga kulay ng nga mata nito. Pula. Matingkad na pula. Jusko! Mabilis siyang napaatras at lumayo. Nakarating pa siya sa dulo ng kama. Naalala niyang magkapareha ng mga mata si Alejandro at nung lalaki. "W-wag...Wag kang lalapit!" "I won't hurt you, Isabelle." Sabi nito. "Don't be afraid." Agad siyang napatayo nang akmang lalapit pa ito. "S-sino...Ano ka ba? Tao ba kayo?" "We're not. And so are you." Napaatras siya nang humakbang ito papalapit sa kanya. "W-wag kang lumapit sakin!" Napalingon siya sa bintanang nakasara na uli ngayon. Don't sa pinagtakasan niya kanina lang. May liwanag na sumisinag doon galing sa papasikat palang na araw. "Wait, Isabelle. Don't do it." "Wag kang lalapit. Tatalon ako dito!" Aniya. Lumapit siya sa bintana at akmang bubuksan yon. "Dammit, Isabelle! Listen to me!" Hindi siya nakinig mabilis yong binuksan. Naramdaman niya ang agad ang init ng araw sa balat. Unti-unti yong humahapdi hanggang pakiramdam niya nasusunog na. Literal na nasusunog. Umusok at namula na ang balat. Napasigaw siya sa sakit. Mabilis na naisara ni Alejandro ang bintana. Mabilis din siya nitong hinila papalapit. "Just calm down." Malumanay nito. "I won't hurt you." "Ba't...Ba't ganoon?" Sunod-sunod na paghinga ang ginawa niya. Litong-lito siya sa nangyayari. "Bakit ako nasusunog?! Anong nangyayari?!" "You're a vampire now, Isabelle." Sambit ni Alejandro. Napaangat ang tingin niya dito. Pula parin ang mga mata at seryosong nakatingin sa kanya. "A-ano?" "I made you one of us." Tuloy nito. "I was the one who turned you." "Va..vampire? Ba..ba..bampira ako? Bampira na ako? Ginawa...ginawa mo akong ganito?" Nakita niyang tumango si Alejandro. "To save you," sagot nito. "You're dying, I have no other choice." So yung aksidente. Totoo ngang nangyari yung aksidente. Napaupo sa kama. Hindi niya maproseso nang mabuti ang lahat. Halo-halo na ang pagkalito, pagkagulat. At pagkatakot. "I'm sorry, Isabelle." Dinig niyang sambit nito. "Umalis ka..Jusko...Ano ba? Ano bang nangyayari sakin?" sambit niya. "Isabe--" "Huwag...huwag kang lalapit. Jusko Lumayo ka!" Narinig naman niya ang mga hakbang ni Alejandro papalayo. Kasunod noon ang pagsara ng pinto. "Hindi..Hindi ito totoo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD