********************Raven***************
"Tama na, ayoko na..."
Napuno nang hagulgol ang kwarto na nagsilbi na rin niyang kulungan. Nanatili lang siya sa kama, hindi makagalaw.
Madilim ang paligid pero nakita niya ang mariing pag-iling nito.
"Ayoko na...nakikiusap ako."
"Huy...Raven?" Isang mahinang yugyog ang gumising sa kanya. "Huy..Raven. Huy!"
Naramdaman niya ang malambot na kama. Pati na ang liwanag galing sa bukas na bintana. Umaga na.
Bumangon siya sa kinahihigaan at tumingin sa paligid. This is Vicky's penthouse, she thought. She must have brought her here.
"What the hell...you..." Napaawang ang bibig niya nang makilala ang gumigising sa kanya kanina.
Kiel?
"Kala ko naman kung napano na. Umuungol ka kanina. Tara na, kumain ka muna."
Sinuklay niya ang mahabang buhok papalayo sa mukha. "What the f**k, you're still alive?"
Hindi niya inaasahan yon. She really thought Victoria will kill him. Or perhaps turn him into one of her pets. Pero heto nga at inaaya siyang mag-almusal.
"What...What happened?" She asked.
Pero mabuti naman at hindi ginalaw si Kiel. Alam niyang ailangan pa niya ang hunter na to.
"Nahimatay ka. Sinaksakan ka ng pampatulog"
She rolled her eyes. Pampatulog?
Perhaps some of Vicky's experimental drugs. Hindi kayang patulugin ang tulad nila sa simpleng tranquilizer lang.
"Bakit ka pa nandito?"
"Mamaya mo na isipin yan. Tara na, nagluto ako ng sinangag."
Naglakad na si Kiel papalayo sa kanya. Napansin niyang naka-pants lang ito. Walang saplot pang-itaas. Mukhang at home na at home ang hitsura.
Where the f*ck is Victoria anyway?
She sighed. Hindi rin siya sanay na gumising nang ganitong maliwanag pa.
And breakfast? What time is it anyway?
Marahan siyang tumayo. Nagpunta siya sa banyo para ayusin ang sarili. Wala naman siyang magagawa.
Napatingin siya sa salamin pagkatapos.
Yung panaginip. Naalala na naman niya.
Those memories are coming back to her again. Na-trigger na naman dahil sa pagbanggit ng lalaking yon. Parang mantsa niya na habang-buhay niyang dadalhin.
At si Isabelle. Sana mali ang hinala nila na may kinalaman ang demonyong yon sa pagkawala ng kaibigan.
Damn him. Kailan ba talaga siya titigil?
"Raven. Yohoo. Ready na!” Parang bata lang na nagtatawag ang hunter.
Napailing siya. Lumabas na siya sa banyo at dumiretso sa dining.
Napatingin siya sa lamesa. May nakahandang almusal na nga doon. Pang dalawang tao.
"So you really cooked breakfast?" Aniya.
"Oo naman." Sagot ni Kiel habang inaayos ang mga plato. "Nagtataka lang ako, ha. Si Vicky kasi nagpaluto nito. Kailangan mo daw kumain paggising mo."
Napataas siya ng kilay. First name basis na kay Victoria?
"Talagang kumakain ka pa?" Tanong ni Kiel sa kanya. "Ang alam ko, dugo lang ang bumubuhay sa inyo."
Of course. He's a hunter. He knew that vampires don't need food to survive. Ni hindi nga kayang magdigest nang ganito ang mga kalahi niya.
"I am different." Sagot niya. "Perks of having a special bloodline."
Kaya nga mas madali sa kanyang magpanggap bilang tao ng mahabang panahon.
She can actually walk in the daylight without getting burned. Even consume food like ordinary humans.
Umupo na siya isa sa mga silya. May ilang pirasong hotdog doon at itlog na nakahain sa lamesa. What attacked her nose was the garlic on the fried rice.
Victoria really love to keep those in her kitchen, she thought.
Napatingin si Kiel sa kanya. "O, ayaw mo ba? Wala na kasing iba sa ref niyo, puro gulay na."
"That garlic." Sabi niya sabay ngiwi. Hindi naman sa nakakapanghina. Nasisira lang ng matapang na amoy noon ang matalas na pang-amoy niya.
"Anak ng...bawang. Sorry ha." Sabi ni Kiel sabay kuha ng nakahaing fried rice sa harap niya. "May plain rice pa namang natira. Sandali." Dumiretso ito sa kusina pagtayo.
Pinigilan niyang humagikgik. Nakakatawa itong kumilos ngayon, parang hindi hunter. She guessed Vicky let him live to kept her entertained like this.
Bumalik na si Kiel na may dalang bagong kanin. She winced again. That smell reminds her of something.
"O. Bakit uli?" Tanong nito pagkaupo sa kaharap na silya.
"Nothing." She said. "Just eat."
Nagsimula na silang kumain. Kiel really looked at ease. She thought. Wala siyang ma-detect na kaba kahit na obvious na nasa kuta ito ng mga tulad niya.
But still, kailangan niyang malaman ang totoo kung bakit nga ito nandito.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong niya.
"Hi-nire ako ni Victoria pansamantala lang. Ako daw muna magbabantay habang nagpapagaling pa yung kano."
Sabi lang nito bago sumubo ng kanin.
That 'kano'. Si Dominic yon. She wonder now how much damage did she really gave him at kailangan pang magpagaling nang ganoon. Though hindi na ito active sa ngayon, he's a battle hardened vampire.
"Hindi ko kailangan nang magbabantay sakin." Sabi niya.
"Paaala lang, Prinsesa." Sagot naman ni Kiel. "Two million dollars ang nakapatong sa ulo mo. Maraming interesado."
"And you are not?"
"Mas maraming importanteng bagay kaysa pera."
"I really can't believe you."
"Edi sana kagabi pa kita binitbit. Doon palang sa bar. Habang ano..alam mo na.."
Napakagat siya ng labi. She remembered that they kissed.
Oh, f**k that.
She's too old to blush. And he's too young for her to feel that way.
"Just...Just eat your breakfast."
Tumahimik na siya. Si Kiel naman ang kwento ng kwento ngayon.
He talked about his younger sister. Bukod doon sa unang sinabi nito na may sakit ang kapatid noong araw na una silang nagkita, madami pa siyang nalaman.
She's twenty, he said. She dropped-out of college last year. Pero pinipilit parin daw ni Kiel na pag-aralin para di maging hunter tulad nito. Delikado daw para sa babae ang trabaho.
She smiled. He sounded like he dearly love her. Nami-miss din tuloy niya ang kapatid niya.
"Huy, ako na buma-bangka dito." Sabi ni Kiel sa kanya. "Ba't di ka din magkwento."
"I thought you knew a lot about me?" Tanong niya.
He even knew her real name. Even in the royal court, hindi iyon basta ginagamit nang kung sino-sino. She was always addressed as the old fashioned Princesse du Soliel.
It sounds so ancient, dammit.
Ngumisi si Kiel. "Hindi naman." Sabi nito. "Pero sino tong Alejandro?"
Nailapag niya ang kubyertos sa lamesa. Even till now, nanginginig ang kalamnan niya kapag naririnig niya ang pangalan yon.
"Ano na?" Sabi ni Kiel. Uminom ito ng tubig mula sa baso bago magsalita uli.
"Kasi sabi nila Vicky, may posibilidad na yung taong yon ang kumuha sa kaibigan mo. Baka makatulong sa paghahanap natin."
"He's someone in her past, hunter." Dinig niyang boses ni Vicky.
She just sighed. Ni hindi niya namalayang dumating na doon. She's too preoccupied.
Dinig niya rin ang tunog ng heels nito habang papalapit. "At hindi siya tao. Right, Angelique?"
"Where have you been?" She asked her. Nakawhite labcoat ito. She can smell blood in her too.
"I have to fix someone, and I'm famished." Sambit ni Vicky. Tumingin ito sa pagkaing nasa lamesa. Tapos tumingin ito kay Kiel at kumindat.
"There's food on the table. Mukhang masarap."
"Victoria." Saway niya. She’s flirting with him. Nakakainis.
He's mine. Nilabi niya yon.
"Fine. I'mma get my own." Sabi lang nito sabay lakad papalayo sa kanila.
"Umm. Di siya katulad mo?" Pabulong na tanong ni Kiel pagkaalis nito.
Umiling siya. "I told you I'm different. This trait was passed down through my mother's line. Victoria's my fathers cousin."
"Ah, kaya din maraming nahahabol sayong kalahi mo noon."
Napakunot ang noo niya. Noon?
Hindi pa nga pala niya alam kung papaano ito naging hunter.
"Ay. Teka tumawag si Raprap." Sambit ni Kiel. Nakarinig nga niyang nagvi-vibrate ang phone nito sa lamesa. "Di pala ako nakapagpaalam. Nag-aalala na yon. Sandali ha."
Tumango nalang siya at sinundan ito nang tingin papunta sa balcony. It was indeed his sister. Nadidinig pa niya ang pag-uusap ng dalawa mula sa kinauupuan.
"You seemed very comfortable with that hunter, my little niece." Sambit ni Victoria. Naramdaman niyang nakatayo ito sa likod at may hawak na blood bag. May bawas na yon.
Marahan lang siyang simumimsim ng tubig. "Any news about Isabelle?"
Nagkibit-balikat lang si Vicky. "Nothing. Pero siguradong lilitaw din yon para mapilit kang lumabas. So you should stay here for a while."
Dammit. Lalo siyang nag-aalala sa lagay nito.
"And what happened to Dominic?" She asked her.
"Matapos ang ginawa mo? You really have the nerve to asked me that?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"What did he tell him?" She asked.
And why. Alam naman ni Dominic ang lahat ng pinagdaanan niya She felt betrayed. Kaya din nagdilim ang paningin niya.
"Nothing. Kilala mo si Dom, hinding-hindi ka ipapamahamak noon. But he did tell Alejandro to go ask the King himself." Sambit ni Vicky at sumimsim uli ng dugo.
"My guy has balls." Napabalik ang tingin niya kay Vicky. They both know that Dominic is an eunuch. Wala na nito noon.
"We'll not literally! Ano ba! Despite the lack of male parts, he managed to shoo away your--"
"Vicky." She sighed.
"You almost killed him, though." Tuloy lang ni Vicky. Napahawak pa ito sa leeg. "Internal decapitation, it took me the whole night to fix his head in place."
Napangiwi siya. The most effective way to kill her kind was to behead them. Muntik na nga niya itong mapatay. "I lost control..."
"He's recuperating now, don't worry. Ilang araw siguro maayos na ang lagay niya."
Surely Dominic doesn't mean any harm. But he did anyway. Ngayon lalong lumiit ang mundo niya.
"But that bastard did ask my father."
"You mean...Al-- oh, yeah." Sambit ni Vicky.
Ngayon alam na niya kung bakit biglang naglabas ng bounty ang magaling niyang ama. Napagtagpi na niya ang lahat.
Bumaling ang atensyon niya sa hunter. Nakatayo parin ito sa may balcony. Nakangiti habang kausap parin ang kapatid. Alam niyang hindi naman nito nadidinig ang usapan nila. Hindi sila abot ng pandinig nang ordinaryong tao.
"Anong plano mo kay Kiel?"
"He'll stay here." Sabi ni Victoria. "Keep your enemies closer, they say."
Napatingin siya dito. It's the first time she heard Victoria sound that serious today.
"You have him investigated?"
Ngumiti lang ito. "Ezequiel Mendoza. Twenty-seven. Hunter number, six four eight. Currently number in two ranking. He have a kill list of ninety five, puro high-end targets."
"Targets?"
"Vampires like us, my niece. The noble bloods. He's probably loaded now with all that bounty he had claimed."
That's interesting, she thought. Kaya pala sabi nito, di na kailangan ng pera. Kailangan niya talagang malaman kung ano ang totoong pakay nito sa kanya.
"He's no ordinary hunter, Angelique. I need to keep an eye on him."