Chapter 9: Reasons

1103 Words
********************Isabelle*************** "Bampira...bampira na ba talaga ako?" Palakad-lakad siya sa kabuan ng kwarto habang sinasambit yon. Hindi siya mapakali. Para siyang baliw. Pero siguro kahit sino naman siguro mababaliw sa sitwasyon ngayon. "No..Hindi...Hindi pwede ito. Shet. Bakit?" Hindi naman totoo ang mga bampira. Sa pelikula o sa libro lang sila nag-eexist. Panakot lang yon ng mga matatanda sa mga sutil na bata. Pero...Pero yung mga mata nung lalaki. Yung mga mata din ni Alejandro. Kulay pula ang mga yon. Matingkad na pula. Hindi pang tao. Saka yung kanina. Yung nasunog yung balat nung nasinagan ng araw. Hanggang ngayon nga parang ramdam parin niya ang sakit kahit wala nang bakas. Teka..Wala? Wala na? Agad siyang napahawak sa balat at tiningnan yong mabuti. Wala na nga talaga. Parang walang nangyari. Makinis na uli at walang bakas ng paso. Napakaimposibleng gumaling iyon agad pero ganoon na nga ang nangyari. "Teka.." Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa may bintana. "Uulitin ko." Baka sa part two, wala nang mangyari, naisip niya. Baka normal na siya. Lumapit siya doon at dahan-dahang pinadausdos pabukas. Unti-unti ding pumasok ang liwanag ng araw. "Wala naman--ah!" Napasigaw siya nang maramdaman na uli ang hapdi sa balat. Napaatras sa bintana pero nasisinagan parin noon ang katawan. Hindi na siya makalapit pa para isara. Shet! Help! Nadinig naman niya ang malakas na pagsara ng bintanang yon. Medyo dumilim ang paligid. Nawala na yung sinag. Unti-unti na ring nawala ang paso. Wala uling bakas na naiwan. "Na...nasusunog talaga nga ako...totoo..totoo nga." Sambit niya. Hindi talaga siya makapaniwala. Napakaimposible pero naging totoo na. "Do you have a deathwish or something, Mademoiselle?" Pamilyar ang boses. Naramdaman din niya ang pagtapik ng may-ari noon sa balikat. "Be careful next time. We are practically immortal but the sun can still kill you." Inangat niya ang tingin at nakita niya ang lalaki. Agad naman siyang napaatras at nang makilala ito. Yung r****t! "Hello. You're name is Isabelle, right?" Kaswal na sambit nito. Humakbang pa papalapit sa kanya "Shet! Wag kang lalapit! Manyak ka! Sisigaw ako!" Sigaw niya dito. Sa natatandaan niya, Pierre ang pangalan ng manyak. Kundi hindi dumating si Alejandro, natuloy na ang balak nito kanina. Nasaan na si Alejandro? Bakit ko kasi pinaalis?! "Don't be afraid. We can be friends now, right?" "A--ano?" Hindi parin siya makagalaw. Hindi rin niya masyadong maintidihan ang sinabi nito. Makapal ang accent, sa tingin niya ay French. "I just saved you, Mademoiselle. Can I please have a thank you?" Napansin niyang hindi na kulay pula ang mga mata nito ngayon. Kulay light brown, halos mala-ginto. Kakaiba. Nakakita na siya ng ganoon mga kung saan. Hindi rin niya alam kung bakit napakapamilyar talaga nang mukha nito. Shet. Gwapo nga, r****t naman. "I wont hurt you." Doon niya napansing malapit na ang lalaki sa kanya. Napakalapit na. Kaya na siyang maabot. Napaatras lalo siya hanggang nasandalan na ang pader. "Si-sino ka ba? Anong kailangan mo?" Pakiramdam niya dumadagundong ang puso niya sa kaba. Alejandro nasan ka ba?! "My name is Pierre du Soliel, Mademoiselle. And I just wanted to apologize for my behavior earlier. I thought you were trespassing." Humakbang ito uli. Wala tuloy siyang nagawa kundi sumiksik sa pader at yakapin ang sarili. T Shirt lang ang suot niya. Madali nitong magagawa ang kung ano mang balak. "Wag...wag kang lalapit." "Ok. I won't. I'll stay right here if you want to." Ngumiti ito. Kitang-kita niya ang pantay-pantay na ngipin pero bahagyang nakausli ang mga pangil. Napalunok siya. Kayang-kaya nga siyang kagatin. "I know Alejandro was the one who made you...you know, like us." Lalo siyang napasandal. Alam din pala nito kung ano siya. "Can I ask you something?" malumanay na tanong ni Pierre. Mabuti at hindi nga ito umalis sa kinatatayuan. Ganoon parin ang distansya nilang dalawa. "Anong kailangan ni Alejandro sayo?" Umiling siya. "Hindi--hindi ko alam." "Hindi mo alam?" Ulit nito. "Can you tell me what happened, then? Maybe I can help you." "Kinidnap niya ako..tapos..tapos naaksidente yung sasakyan namin...tapos ganito na ako paggising ko." Hindi niya alam kung bakit niya ikwento yon. Wala naman siyang tiwala na makakatulong nga ito sa kanya. "Really?" Sabi ni Pierre. Nadinig pa niya ang bahagyang pagtawa nito kahit wala namang nakakatawa sa nangyayari. "Gusto...gusto ko lang umuwi. Hinahanap na ako samin." Sambit niya. At si Raven, panigurado nagwawala na yon sa pag-aalala. Ilang araw na rin siyang nawawala. "I don't think he would. He willingly broke the rules just to keep you alive, Isabelle." "Ano?" "You see, we can only sire one during our lifetime. You're his second. The high council will have your head for sure." "Wala akong maintindihan..." Sambit niya. Pangalawa? Anong high council? Ngumiti uli ito. "It means you're important to him, a risk he's willing to take. And there must be a reason." Wala parin siyang maintindihan. Bakit naman siya importantante kay Alejandro? Ni wala nga itong binigay na rason kung bakit siya kinidnap. "Pierre." Napaangat siya ng tingin at nakita niyang nakatayo si Alejandro sa nakabukas na pinto. May hawak na mga tela sa kamay. Agad siyang tumakbo papunta sa likuran nito. Oo nga si Alejandro ang kumidnap sa kanya at may gawa nang kung ano mang nangyayari sa katawan. At least hindi nagtangkang gahasain siya tulad ng lalaking yon "Isabelle, are you alright?" Tanong pa nito. Tumango nalang siya nang mahina. "Ok...ok lang. Nakita ko lang siya bigla dito...Help." Aniya. Ngumiti lang si Pierre sa kanya. Sa kanila ni Alejandro. "Mademoiselle. Do you know what you are doing?" Lalo tuloy siyang napasiksik sa likod ni Alejandro. "Ih. Wag mo siyang palapitin. Baka manyakin ako uli." sabi niya dito. "Pierre." Madiing sambit ni Alejandro nang bumaling ito kay Pierre. "Don't come near her." Go...Mamang kidnapper. Ipagtanggol mo ko! Tumawa lang si Pierre. "He's far most dangerous than I am, Isabelle. Don't be fooled." Nakaramdam siya nang bigat sa paligid. Hindi niya ma-describe kung ano yon pero parang di siya makahinga. Nakakasikip ng dibdib. "Anong..." "Stop this, Pierre." Biglang sambit ni Alejandro. "She still cannot handle our pysch." Napabuga siya nang hangin nang mawala ang bigat. Parang may nawalang nakadagan sa kanya . Teka...sila ba ang may gawa noon? Anong psych? "Fine," biglang sambit ni Pierre. Ngumisi pa ito at humalukipkip. Sa kanya nakatingin ang mga matang pula. "But you really think you can replace her with my sister?" Sino? "Get out." Utos ni Alejandro. Madiin yon. Feeling niya may galit na. Nakita naman niyang ngumisi si Pierre at lumabas na nang pinto. Sinundan lang pa niya ito nang tingin. Kanina gusto niya itong umalis pero ngayon parang gusto na niyang sundan. Marami siyang gustong itanong at alam niya kaya nitong sumagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD