"May problema ba, Bell?" nag-aalalang tanong ni inay. "Simpleng problema lang po inay. Yumuko lang po kayo riyan sa likuran at baka bigla silang magpaputok ng baril, huwag po kayong matakot hindi ako papayag na saktan nila kayo," sabi ko sa aking pamilya. Kaya naman agad kong kinuha ang dalawang baril ko. Sabay kasa ko rito. Muli ako lumingon upang alamin kung kami pa rin ang sinusundan. Peste! Dahil hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sila sa amin. "Maging alerto ka Basty. Mukhang hindi nila tayo titigilan sa kasusunod. Baka naghahanda lang sila para pagbabarilin ang kotseng sinasaktan natin," wika ko pa. Nakita kong kumuha rin ng baril si Basty at agad na kinasa iyon. Hindi pa halos nagtatagal nang marinig na namin ang magkakasunod na putok ng baril mula sa kalaban. Dinig kong nap

