Agad kaming lumabas ng kotse nito, kapagtapos pakawalan ang kasabikan namin sa isat isa. Nakaakbay ito sa akin habang papasok kami sa loob ng hospital. Pagpasok sa loob ng silid na kung saan naroroon si inay ay agad itong nagmano sa aking ama. Umupo ako sa sofa dahil ramdam ko pa rin ang pagod na ginawa namin kanina ni Frank. Tumabi naman siya sa akin mula sa pagkakaupo ko. Nagulat pa nga ako ng bumulong siya sa may taingan ko. "Hindi pa ako kontento honey. Nakukulangan pa ako," mahalay na bulong ng binata sa akin. Kaya naman pasimple ko itong kinurot sa hita nito. Ngunit hinawakan lamang nito ang palad ko at pinagsalikop ang mga palad namin sabay halik sa likurang ng kamay ko. Sa ginawa ng lalaki ay talaga namang kinikilig ako ng inam. "Matulog ka muna honey," malambing na bulong niy

